Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga pangakong walang aksyon

SHARE THE TRUTH

 153 total views

Mga Kapanalig, nag-viral noong isang linggo ang video ni Greta Thunberg, isang youth climate activist, kung saan kinundena niya sa Youth4Climate Forum ang mga world leaders dahil sa kanilang mga napakong pangako. Wala siyang pinangalanan ngunit inisa-isa niya ang ilang pangako ng makapangyarihang mga lider katulad ng “green jobs”, pagiging “climate neutral”, at pagsusulong ng “build back better.” Ani Greta, “Our hopes and dreams drown in their empty words and promises.” Ang pag-asa at mga pangarap ng kabataan ay nalulunod sa walang lamáng mga salita at pangako.

Pinatotohanan ng pinakabagong report ng Save the Children kung paano ninanakaw ng climate change ang kinabukasan ng mga bata. Ayon sa report na pinamagatang Born into the Climate Crisis, ang mga batang Pilipinong ipinanganak noong 2020 ay mabubuhay sa isang bansang halos limang beses na mas mainit ang mga heatwaves, dalawang beses na mas madalas ang pagbaha, at halos dalawang beses na mas madalas na pagkasira ng mga pananim, kumpara sa naranasan ng kanilang mga lolo at lola habang sila ay nabubuhay. Dagdag pa ng report, higit na negatibo ang epekto ng climate change sa mga mahihirap na bansa at komunidad dahil mas mataas ang banta sa kanila ng mga sakit na dala ng maruming tubig, kagutuman, at malnutrisyon, na palalalain pa ng mas malalakas na bagyo.

Ang isa ring youth climate activist na si Vanessa Nakate ay siningil naman ang mayayamang bansa sa pangako nilang pondo para sa mahihirap na bansa. Sa usapin ng climate justice, ang mahihirap na bansa ay pangunahing dehado sa mga mapaminsalang epekto ng climate change sa kabila ng maliit nilang kontribusyon sa carbon emissions na sanhi naman ng global warming. Layunin ng pondong palakasin ang adaptation o kakayahan ng mga bansang umangkop sa mga epekto ng climate change. Noong 2015, ipinangako ng mayayamang bansang magbibigay sila ng 100 bilyong dolyar bawat taon sa mahihirap na bansa umpisa 2020. Ayon kay Vanessa, hanggang ngayon ay wala pang natatanggap ang kanyang bansang Uganda sa Africa. Iginiit din niyang hindi maaaring mag-adapt sa pagkasira ng kultura, tradisyon, at kasaysayan. Hindi maaaring mag-adapt sa kagutuman. Nanawagan siya sa mga lider na ilagay ang pagkasira ng kultura, tradisyon, at kultura, maging ang kagutuman, sa sentro ng mga usapin tungkol sa climate change.

Kung pagninilayan natin ang mga Salita ng Diyos, ang panawagan nina Greta at Vanessa ay paalalang sinasalamin ang Genesis 2:15: “Inilagay ni Yahweh ang tao sa halamanan ng Eden upang ito’y pagyamanin at pangalagaan.” Ang mga kabataang kinakatawan ng dalawa ang sasalo sa kalagayan ng halamanang ipinagkaloob sa atin ni Yahweh. Ang pagkundena nila sa mga walang saysay na salita at mga pangakong hindi naisasakatuparan ng mga lider ay paalala rin sa mga pamahalaan at nasa larangan ng pulitika ng kanilang tungkulin sa pagsigurong napangangalagaan ang kapaligiran. Binibigyang-diin ng panlipunang turo ng Simbahan na responsibilidad ng bawat isa, lalo na ng mga nanunungkulan, na protektahan at itaguyod ang dignidad ng sanilikha. Kailangan natin ng lipunan at ekonomiyang isinasaalang-alang ang kalagayan ng kalikasan sa pagsusulong ng kaunlaran.

Nawa’y makita rin natin ang mahalagang papel ng pagsusulong ng katarungan sa usapin ng climate change. Hindi lamang nito mapabubuti ang kasalukuyang estado ng ating pamumuhay; magiging makatarungan din tayo sa mga susunod na henerasyon. Ang usapin ng climate change ay tungkol din sa pagkadehado ng mahihirap na bansa at pagiging sakim ng ilang malalaki at mayayamang bansa.

Mga Kapanalig, ang kabataan at mahihirap ay ang mga pangunahing biktima ng pagkasira ng ating nag-iisang tahanan. Huwag natin silang agawan ng pag-asa at mga pangarap. Samahan natin silang manawagan para sa mga aksyong magdudulot ng totoong pagbabago sa kalagayan ng ating kalikasan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 5,718 total views

 5,718 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 11,691 total views

 11,691 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 17,446 total views

 17,446 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 24,709 total views

 24,709 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 32,694 total views

 32,694 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 5,719 total views

 5,719 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 11,692 total views

 11,692 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 17,447 total views

 17,447 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 24,710 total views

 24,710 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 32,695 total views

 32,695 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,449 total views

 35,449 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,453 total views

 47,453 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,495 total views

 55,495 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,052 total views

 47,052 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,477 total views

 45,477 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,263 total views

 47,263 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,188 total views

 44,188 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,502 total views

 58,502 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,192 total views

 62,192 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,795 total views

 60,795 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top