Nagkakaisang kilos laban sa human trafficking, panawagan ng Simbahang Katolika at Evangelical Churches

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 556 total reads

Ipagpatuloy ang pagtutulungan upang masugpo ang patuloy na human trafficking sa lipunan.

Ito ang panawagan ni Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity at isa sa mga founder ng Philippine Interfaith Movement against Human Trafficking (PIMAHT) kaugnay sa ika-walong anibersaryo ng pagkakatatag sa organisasyon.

“Una sa lahat we are doing something that is good sana ay ipagpatuloy natin itong gawaing ito kahit na maliit lang pero kailangan ipagpatuloy natin, huwag tayong magsawa sa paggawa nito.” pahayag ni Bishop Pabillo.

Ayon sa Obispo, mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor at denominasyon upang masugpo ang napakalawak ng suliranin ng human trafficking o pangangalakal sa kapwa tao lalo na sa gitna ng paglaganap ng cybersex trafficking at online sexual exploitation partikular na sa Pilipinas.

“Lumalabas na ngayon yung problema ng cyber-sex at ang Pilipinas ang isa sa mga sentro nito, mas mahirap sugpuin yun kasi mas nakatago at kung minsan maraming mga magulang, mga kamag-anak ang nagpo-promote pa nito.dapat tumugon ang Simbahan hindi lang tayo dapat manahimik at maganda dito na nagkaisa yung Simbahan” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Samantala, binigyang diin rin ni Evangelical Bishop Noel Pantoja ang kasalukuyang Pangulo ng Philippine Interfaith Movement against Human Trafficking (PIMAHT) ang nagkakaisang layunin at pananaw ng iba’t ibang denominasyon sa pagnanais na mawakasan na ang human trafficking.

Ayon kay Bishop Pantoja, bagamat batid ng organisasyon na isang mahaba at matagal na adhikain ang tuluyang pagwaksi ng human trafficking ay hindi naman ito dahilan upang panghinaan ang organisasyon sa pagtulong at paggabay sa mga mamamayan upang maiwasang maging biktima nito.

“Ang common vision is to unite the communities of faith so nagbukas ang bawat isa ng pagnanais na magsama-sama nga tayo at i-champion natin yung eradication ng human trafficking in the Philippines so yung common vision na yan bagamat alam namin at ng mga founders na ito ay isang mahabang lakbayin subalit bawat isang buhay ay mahalaga, bawat isang bata, bawat isang tao so kung magtutulong tulong tayo maliligtas natin one person at a time and completely by the grace of God in the future the vision is to complete the eradication of human trafficking in the Philippines.” Pagbabahagi ni Evangelical Bishop Noel Pantoja.

Bilang pagbabalik tanaw sa layunin ng pagkakatatag sa Philippine Interfaith Movement against Human Trafficking (PIMAHT) noong Setyembre ng taong 2013 ay isang online program ang ilulunsad ng PIMAHT upang talakayin ang patuloy na adbokasiya at misyon ng organisasyon laban sa iba’t ibang uri ng human trafficking sa lipunan.

Kabilang sa mga founder ng PIMAHT ay sina Right Rev. Rex Reyes Jr. mula sa National Council of Churches in the Philippines; Bishop Efraim Tendero at Bishop Noel Pantoja mula sa Philippine Council of Evangelical Churches; at si Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo mula sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 67,803 total reads

 67,803 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,502 total reads

 146,502 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 179,949 total reads

 179,949 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 215,246 total reads

 215,246 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 438,989 total reads

 438,989 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top