Mga Pangunahing Problema ng mga Bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,559 total views

Kapanalig, ayon sa isang pag-aaral, hindi na COVID-19 ang pangunahing concern o problema ng maraming mga bansa ngayon. Pinalitan na ito ng inflation.

Ayon sa pag-aaral na may titulo na What Worries the World, tatlong buwan na noong Hunyo 2022 nangunguna ang inflation sa mga pinoproblema ng mga 37% ng mga bansang kasama sa survey na ito.  Ang pag-aalala sa inflation ay sinusundan ng pag-aalala ukol sa kahirapan at di pagkakapantay-pantay sa lipunan, kawalan ng trabaho, krimen at karahasan, at korapsyon. Makikita sa resulta na ito na ekonomiya ang pangunahing focus ng maraming mga bansa ngayon sa buong mundo.

Sa ating bansa, makikita sa isang survey ng Pulse Asia na inflation rin ang pinaka-urgent na concern ng mga Filipino. Tinatayang anim sa sampung Filipino ay nais na harapin at kontrolin ng administrasyong Marcos Jr. ang inflation, na mabilis na umakyat ngayong buwan. Ayon din sa sa survey, mga 33% din ang nagnanais na unahin ng pamahalaan ang problema ng kahirapan at kawalan ng trabaho.

Kapanalig, malinaw ang hiyaw ng mga mamamayan sa loob at labas man ng bansa – ang mataas na inflation ay kailangang agarang harapin ng ating lipunan. Matapos ng COVID-19, ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ang pinakamalaking balakid sa pagbangon ng mga tao. Kababalik pa lang ng marami sa trabaho, at bumabawi pa lamang ang mga negosyo, pero heto, tumaas ang presyo ng mga kailangan natin upang maka-recover mula sa pandemya at maka-survive sa new normal.

Upang tugunan ang pagtaas ng inflation rate, maraming mga bansa, kasama na ang Pilipinas, ang nagtaas na ng interest rates. May mga ibang bansa, nagbawas na ng buwis sa langis at nagbigay na iba ibang uri ng subsidiya. Kaya lamang, mukhang hindi pa rin ito sapat. Base sa mga nabanggit na survey, problema pa rin ng maraming tao ang inflation.

Kapanalig, mahirap na problema ang kinakaharap ng bansa ngayon – at pahirap pa ng pahirap dahil patuloy na tumataas ang presyo ng bilihin. Tingnan na lamang natin ang presyo ng langis na halos linggo-linggo, tumataas. Nanalangin ang maraming Filipino na sana.. sana… may agarang aksyon ang bagong gobyerno. Hindi na kinakaya ng maraming Filipino ang sunod-sunod na dagok na dumarating sa kanilang buhay. Hindi pa tapos ang pandemya, sinasalubong na naman sila ng mas malaki pang problema. Paalala at hamon sa gobyerno ngayon ang mga katagang ito mula sa Mater et Magistra: As for the State, its whole raison d’être is the realization of the common good in the temporal order. It cannot, therefore, hold aloof from economic matters.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 30,985 total views

 30,985 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 61,208 total views

 61,208 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 87,859 total views

 87,859 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 182,832 total views

 182,832 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 201,990 total views

 201,990 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 30,986 total views

 30,986 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 61,209 total views

 61,209 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 87,860 total views

 87,860 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 182,833 total views

 182,833 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top