VeritasPH

The Word, The Truth

Mamamayan ng Romblon, hinimok ni Bishop Abellana na protektahan ang kalikasan

SHARE THE TRUTH

 658 total views

Hinimok ni Romblon Bishop Narciso Abellana ang mga mananampalataya ng lalawigan ng Romblon na isabuhay ang pagpapahalaga sa inang kalikasan.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng Obispo kaugnay sa panawagang pigilan ang operasyon ng pagmimina sa Sibuyan Island.

Ayon kay Bishop Abellana, dapat pag-isipang mabuti ng bawat isa ang mga desisyon hinggil sa pagmimina at huwag nang hintayin pang dumating at maranasan ang magiging epekto nito sa paglipas ng panahon.

“Siguro kung titingnan natin sa tema ng pagmimina, kung darating itong epekto na hindi maganda, ito’y dahil hindi tayo nakinig, hindi tayo nagsisisi. Pakinggan natin kung ano ang sigaw ng ating budhi, ng ating konsensiya,” ayon kay Bishop Abellana.

Binigyang-diin ng Obispo na kaakibat ng pangangalaga sa mga likas na yamang likha ng Diyos ay ang pangangalaga rin sa buhay ng tao.

Sapagkat, kung patuloy na aabusuhin ang mga likas na yaman, ang polusyong magmumula rito ay magdudulot din ng panganib sa buhay at kalusugan ng tao.

“Ang ginawa ng Diyos ay para sa ikabubuti ng tao para sa ating ikabubuhay. Kung taliwas nito ang mangyayari, dapat din nating tutulan…Ang kaugnayan n’yan sa atin ay magkakaroon tayo ng mga sakit,” saad ni Bishop Abellana.

Nabanggit naman ni Bishop Abellana na ang kumpanyang may hawak sa operasyon ng pagmimina sa Sibuyan Island ay may kaugnayan sa malalaking korporasyon na nagdulot na ng matinding pinsala sa likas na yaman ng bansa.

Sinabi ng Obispo na batay sa kanilang pagsasaliksik, ang Altai Philippines Mining Corporation (APMC) na responsable sa pagmimina sa isla ng Sibuyan ay may kaugnayan sa Marinduque Mining at Nonoc Mining and Industrial Corporation.

Ang dalawang kumpanya ang nagbunsod sa maituturing na “golden era” ng pagmimina sa lalawigan ng Marinduque at sa Nonoc Island sa Surigao del Norte noong taong 1975 hanggang 1982.

Ngunit nang matapos na ang pagmimina ay nag-iwan ito nang matinding suliranin sa kalikasan at magpahanggang ngayon ay nagpapahirap sa mga apektadong residente.

Ito ang higit na pinangangambahang mangyari ni Bishop Abellana para sa Sibuyan Island kaya’t mariin nitong tinututulan ang pagpasok ng pagmimina sa isla.

“Para sa akin ang lahat ng bagay ay bigay ng Diyos upang ating gamitin. Pero kung ito ay gagamitin upang patayin lang tayo, hindi na yata tama ‘yon,” giit ng Obispo.

Batay sa mga ulat, nagsimula na muli ang operasyon ng APMC sa Sibuyan Island at nagsasagawa rin ng pag-iikot sa mga pamayanan upang hikayatin ang mga residente hinggil sa mga benepisyong makukuha sa pagmimina.

Ang isla ng Sibuyan ay itinuturing bilang “Galapagos of Asia” dahil sa pananatili nitong nakahiwalay sa anumang bahagi ng Philippine Archipelago at nagsisilbing tahanan para sa iba’t ibang uri ng hayop at halaman.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 6,332 total views

 6,332 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 13,868 total views

 13,868 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 29,854 total views

 29,854 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 37,899 total views

 37,899 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 42,979 total views

 42,979 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinikayat na makibahagi sa kapistahan ni San Kamilo de Lellis

 1,712 total views

 1,712 total views Inaanyayahan ng Camillian Philippine Province ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Kamilo de Lellis. Dalangin ni Camillian Philippines Provincial Vicar, Fr. Dan Cancino, MI na ang kabanalan ni San Kamilo nawa’y mag-akay sa lahat ng mga naghihirap dulot ng iniindang mga karamdaman patungo sa kagalingan at pag-asang hatid

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Mamamayan, pinaalalahanan ng NFP na kumain ng masustansiyang pagkain

 2,841 total views

 2,841 total views Pinaalalahanan ng Nutrition Foundation of the Philippines (NFP) ang mamamayan na sikaping kumain ng sapat, balanse, at masustansiyang pagkain araw-araw. Ayon kay NFP Board Secretary, Nutritionist and Dietitian Rhea Benevides-de Leon, mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na dami at wastong kombinasyon ng mga pagkain upang magkaroon ng malusog na pangangatawan. Ibinahagi ni de

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Filipino parents, hinimok ng CBCP na bigyan ng sapat na nutrisyon ang mga bata

 3,516 total views

 3,516 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang mga magulang na pagtuunan ang pagbibigay ng sapat na nutrisyon sa mga bata. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Father Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, mahalagang sa tahanan pa lamang ay nauumpisahan na ang pagbibigay at pagkakaroon ng kaalaman hinggil sa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging saksi ni Kristo

 2,953 total views

 2,953 total views Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na maging kasangkapan sa pagpapadaloy ng biyaya at pagpapatotoo kay Kristo. Sa pagninilay para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal nitong Hulyo 9, hinimok ni Cardinal Advincula ang bawat isa na

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Parish of St.John the Baptist, ideklarang minor basilica

 3,266 total views

 3,266 total views Isabuhay at ipalaganap ang pagiging mapagpakumbaba katulad ni San Juan Bautista. Ito ang bahagi ng welcome message ni Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal. Ayon kay Bishop Santos, ang pagtataas sa Parokya ng San Juan Bautista bilang basilika

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Masungi Georeserve, hindi itinayo upang pagkakakitaan

 6,978 total views

 6,978 total views Nilinaw ng Masungi Georeserve Foundation, Inc. (MGFI) na hindi itinayo ang Masungi Georeserve upang pagkakitaan at magsilbing lugar-libangan. Ito ang tugon ng institusyon sa pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagsasaad na ang mga gawain sa loob ng Masungi Georeserve ay maituturing na labag sa batas. Ayon sa MGFI,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Aktor na si Leonardo Di Caprio, nananawagang pangalagaan ang Masungi Geopark

 7,529 total views

 7,529 total views Nakikiisa si Hollywood actor at environmental activist Leonardo DiCaprio sa panawagang pangalagaan ang Masungi Geopark Project laban sa mga mapaminsalang pag-unlad na nakakaapekto sa itinuturing na protected area. Sa instagram post, hinikayat ni DiCaprio si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na kumilos upang mapaigting at maipagpatuloy ang hangaring mapangalagaan Masungi Geopark laban sa mga

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Mamamayan, pinag-iingat ng CBCP sa tag-ulan

 7,806 total views

 7,806 total views Muling hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang publiko na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran ngayong tag-ulan. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, na ngayong tag-ulan ay inaasahan na rin ang unti-unting pagpasok ng La Niña Phenomenon kung saan higit na mararanasan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Tularan si Apostol San Pedro at San Pablo,hamon sa mga mananampalataya

 6,848 total views

 6,848 total views Hinamon ng kura paroko ng Sts. Peter and Paul Parish, Poblacion, Makati City ang bawat isa na patatagin ang pananampalataya katulad ng ipinahayag nina Apostol San Pedro at San Pablo bilang mga tagasunod ni Kristo. Ayon kay Fr. Kristoffer Habal, ang bawat isa ay inaanyayahan na higit pang palalimin ang pananampalataya sapagkat ito

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Kaligtasan ng mga bata sa nakakalasong kemikal, pinatutukan ng BAN Toxics

 14,761 total views

 14,761 total views Pinatutukan ng BAN Toxics ang kaligtasan ng mga bata mula sa mga nakalalasong kemikal kasabay ng pagdiriwang sa National Poison Prevention Week 2024. Ayon kay BAN Toxics advocacy and campaign officer Thony Dizon, mahalagang magsimula sa mga tahanan at paaralan ang pangangalaga sa mga bata upang maiwasan ang pagkakalantad sa mga mapanganib na

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Social action ministers, hinimok ng CBCP na ire-orient ang priorities

 17,940 total views

 17,940 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang social action ministers na ituon ang pansin sa pagbabago ng lipunan kaakibat ang mga gawaing pagtulong at pag-unlad ng pamayanan. Ayon kay CBCP president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, kabilang dito ang mga programa at inisyatibo para sa pulitika, ekonomiya, at kultura. Ginawa ni

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Love is the hallmark of what being a Christian-Bishop Bagaforo

 17,976 total views

 17,976 total views Binigyang-diin ni Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang kahalagahan ng pag-ibig at habag bilang katangian ng pagiging mabuting Kristiyano. Sa Banal na Misa para sa ikalawang araw ng 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) sa Jaro, Iloilo, ibinahagi ni Bishop Bagaforo na pangunahing tanda ng pagiging tagasunod ni Kristo

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagtataglay ng binhi ng pananampalataya, pag-ibig at katarungan,panalangin ng Obispo sa bawat kristiyano

 21,254 total views

 21,254 total views Umaasa si Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo na ang bawat binyagang kristiyano ay nagtataglay ng binhi ng pananampalataya, pag-ibig, at katarungan sa kanyang puso. Ayon kay Archbishop Lazo, ang binhing ito’y kailangang lumago upang patuloy na maisabuhay at maipalaganap sa bawat pamayanan tungo sa pagkakaroon ng maayos at mapayapang lipunan. Ang pagninilay ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Magkaroon ng social responsibility ang mga Pilipino, misyon ng ika-41 NASAGA

 21,023 total views

 21,023 total views Umaasa si Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na magdulot ng positibong epekto sa mamamayan ang mga pinagtitibay na layunin ng social, advocacy, at development arm ng simbahan para sa kaayusan ng lipunan. Ayon kay Bishop Bagaforo, nais ng simbahan na maipalaganap ang pananagutang panlipunan upang higit na maunawaan at makaangkop

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Diocesan Social Action Centers, magtitipon sa Iloilo

 19,614 total views

 19,614 total views Muling magtitipon-tipon ang mga kinatawan mula sa 85-diocesan social action centers (DSACs) sa bansa upang talakayin ang iba’t ibang usapin at programa sa mga kinasasakupan. Ito ang 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) ng Caritas Philippines, na isasagawa mula June 17-21, 2024 sa Jaro, Iloilo City. Ang Jaro Archdiocesan Social Action Center

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top