Mga Pari, hindi target ng anumang grupo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 629 total reads

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na walang grupo na target ang mga pari.

Ayon kay PSSupt. Benigno Durana Jr. tagapagsalita ng PNP, wala silang impormasyon na nakukuha na may grupong hangad na patayin ang mga pari partikular na mula sa Simbahang Katolika.

“Base po sa aming data, wala po. Linawin ko po… walang ‘deliberate efforts’ by any quarters inside or outside the government na tinatarget po ang kaparian. Ito na lang example ang killings previously for the past six months yung kay Fr. Ventura, Fr. Paez at Fr. Nilo ito po ay unrelated, ang motive po ay iba-iba,” ayon kay Durana sa panayam ng programang Veritasan.

Ayon pa kay Durana, hindi magkakapareho at hindi rin magkakaugnay ang motibo ng pagpatay sa mga pari na sina Fr. Mark Ventura ng Tuguegrao; Fr. Marcelito Paez ng San Jose Nueva Ecija at Fr. Richmond Nilo ng Cabanatuan.

Iginagalang din ng PNP ang paninindigan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na pagtutol sa pag-aarmas ng mga pari.

No to Guns
Naniniwala din ang opisyal na hindi katiyakan ang pagkakaroon ng baril para sa kanilang kaligtasan.

“When all the dust will settle and our priest and lahat po tayo can really reflect on the issue they would realize that our best protection is ang ating panginoong Hesus -not guns,” ayon kay Durana.

Itinanggi rin ni Durana ang ulat ng biglaang pagtaas ng bilang ng mga paring nag-apply ng ‘permit to carry fire arms outside their residence’.

“Kinumpara po namin, June of 2017 until June of 2018 and the same preceding periods I think ang tumaas doon ay walo lang,” paliwanag ni Durana.

Sinabi pa ni Durana na matapos din ang pulong sa pagitan ng mga pari ng Diocese ng San Pablo ay nagkakaisa ang mga pari doon na hindi mag-aarmas.

“They have decided among themselves not just not to arm themselves, but to turn over their firearms to the Philippine National Police,” dagdag pa ng opisyal.

Sa isang mensahe ng Santo Papa Francisco ang mga gumagawa ng baril at ang pagkakaroon nito ay nangangahulugan ng lamang ng kawalang tiwala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 67,566 total reads

 67,566 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 115,857 total reads

 115,857 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 163,729 total reads

 163,729 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 267,674 total reads

 267,674 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 350,581 total reads

 350,581 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top