Mga Pilipino, ipinagbunyi ang pagkakatalaga kay St .Titus Brandsma at St. Anne Marie Rivier

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 956 total reads

Ipinagbunyi ng mga Pilipino ang pagkakatalaga nina St. Titus Brandsma at St. Anne Marie Rivier dahil sa pagiging bahagi sa buhay ng mamamayan.

Si St. Titus Brandsma ay isang Carmelong pari na pinaslang sa Nazi concentration camp sa Germany dahil sa paninindigan laban sa mga Nazi lalo na ang pagtangging ilathala sa mga pahayagan ang kanilang mga propaganda.

Pinaslang ang pari noong 1942 at naging blessed noong ikatlo ng Nobyembre 1985 sa pangunguna ni noo’y santo papa St. John Paul II.

Si St. Titus Brandsma ay tinaguriang patron ng mga mamamahayag at dito rin nakapangalan ang Carmelites Province of Blessed Titus Brandsma of the Philippines.

Samantala si St. Anne Marie Rivier naman ay naging bahagi sa buhay ni Angel Marie Vier Degamo ng Clarin Bohol na gumaling sa karamdamang Fetalis Hydrops na isang nakamamatay na sakit sa kabataan.

Personal na dumalo si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa pagtalaga ng simbahan kay St. Anne Marie Rivier sa Vatican kasama ang pamilya Degamo at ilang kinatawan ng Sisters of the Presentation of Mary ang kongregasyong pinasimulan ng santa noong 1796 sa Pransya.

Malaking bahagi ng Diyosesis ng Tagbilaran ang santa sapagkat dito nagmula ang isang himala na ginamit sa proseso bago maitalagang banal ng simbahang katolika.

Sa salaysay ni Bishop Uy gumaling sa karamdaman si Angel Marie Vier Degamo isang anim na taong gulang na bata mula sa Clarin Bohol na isinilang na may Fetalis Hydrops na nakamamatay na sakit at mababa ang survival rate sa mga madapuan nito.

Humiling ang pamilya Degamo ng tulong sa Panginoon sa pamamagitan ng pananalangin kay Blessed Anna Marie Rivier kung saan himalang gumaling sa karamdaman ang bata.

Taong 2018 nang atasan ni Bishop Uy si Father Ramon Jose Ongcog bilang Episcopal Delegate na nag-imbestiga sa himalang iniugnay kay St. Marie Rivier.
Itinalaga sina St. Titus Brandsma at St. Marie Rivier bilang santo nitong Mayo 15 sa St. Peter’s Square sa Vatican kasama ang walo pang mga banal sa pangunguna ni Pope Francis.

Pinangunahan naman ni Bishop Uy ang thanksgiving mass sa canonization ni St. Marie Rivier sa Basilica de Santa Maria Maggiore sa Roma ganap na alas otso ng umaga nitong May 16 kasama ang mga madre na international members ng Presentation of Mary Sisters, sa pangunguna ni Mother Maria dos Anjus Alves.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 22,257 total reads

 22,257 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 106,617 total reads

 106,617 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 200,948 total reads

 200,948 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 262,634 total reads

 262,634 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 307,276 total reads

 307,276 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top