Migrasyon, Trabaho, at Pabahay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 529 total reads

Kapanalig, matagal na nating nakasanayan na ang mga mamamayan sa ating bansa ay karaniwang nagpupunta sa mga syudad upang maghanap ng trabaho. Sa isang pag-aaral ng UP Population Institute, nakita na ang mga economic needs ng mga mamamayan, partikular na ang trabaho, ang pangunahing rason ng internal na migrasyon sa ating bayan.

Ayon sa pag-aaral na ito, mas maraming female migrants sa loob ng bansa  kaysa lalake, pero mas madalas naman lumipat ang mga lalake. Ang kanilang karaniwang mga edad ay 25 to 59. At siyempre, sa mga syudad sila nagpupunta, kung saan may trabaho.

Kaya ang ating mga syudad, lalo na ang Metro Manila pati na ang mga kasama sa NCR+, ay masikip na. Sa Metro Manila, tinatayang nasa 12 milyon hanggang 15 milyon ang populasyon. Bago ang pandemya, grabe ang traffic hanggang umabot sa punto na halos P3.5 bilyon na nawawala sa bayan kada araw. Sa sikip, kalat, at maling pagplano, kapag umuulan, baha agad. At ang pinaka-masaklap, sa pagdami ng populasyon, dumadami din ang walang permanenteng tirahan. Ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, tinatayang nasa 37 percent ng populasyon ng mega-city ay nakatira sa mga informal settlements.

Pabahay nga ang isa sa naging malaking problema ng maraming Filipinong napadpad sa Metro Manila dahil sa trabaho. Ayon sa Habitat for Humanity, apat sa sampung Filipino ang walang disenteng bahay na matitirhan. At sa dami nito, hirap ang bansa na ihabol ang housing backlog, na tinatatayang nasa 6.5 milyon.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Kapanalig, malaking problema ito na maaring lumaki pa kung ating pababayaan. Kailagan ng malawakang aksyon, hindi lamang mula sa gobyerno, ngunit sa ating lahat upang  matugunan ito. Ang problema ng migrasyon, trabaho, at pabahay ay sanga-sanga at magkaka-ugnay. Ang pagresolba ng isa lamang sa kanila ay hindi sasapat.

Ayon sa Rerum Novarum, “Ang tunay na katarungan ay ang pag-aaruga sa interes ng mga “working class” upang maramdaman naman nila ang bunga ng kanilang ambag sa lipunan – gaya ng pabahay, pananamit at kalusugan.

Ang panahon ng pandemya ay isang malaking oportunidad upang magawa natin ito. Ito ay “golden moment” upang masuri natin ang ating patterns of migration at makita kung paano ba natin mabibigyan ito ng tamang interbensyon. Nakita naman natin na ang trabaho ay hindi laging kelangang Manila-centric hindi ba, lalo’t marami na ang working from home ngayon. Ang mga pagbabagong ito ay malaki ang epekto sa ating lokasyon at mga plano sa darating na mga taon.  Malaki ang epekto nito sa migrasyon, trabaho, at pabahay. Sana makita ito ng nasa poder at ng pribadong sektor, upang angkop ang magiging mga solusyon.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 120,391 total reads

 120,391 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 155,068 total reads

 155,068 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 177,318 total reads

 177,318 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 213,804 total reads

 213,804 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 224,577 total reads

 224,577 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 120,392 total reads

 120,392 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 155,069 total reads

 155,069 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 177,319 total reads

 177,319 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 213,805 total reads

 213,805 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top