Penitential walk ng mga Pari sa Archdiocese of Manila, hindi political rally

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 649 total reads

Binigyang diin ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church na tanging mga Pari lamang ng Archdiocese of Manila ang kabilang sa Penitential Walk sa unang araw ng Hunyo na idineklara din bilang ‘Day of Prayer and Fasting’ sa arkidiyosesis.

Ayon kay Rev. Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Quiapo Church hindi pahihintulutan ang pagsama at pakikilahok ng mga mananampalataya lalo na sa paglalakad mula sa Simbahan ng Quiapo patungo sa Sta. Cruz Church.

Inihayag ni Fr. Badong na ang mga Pari ng arkidiyosesis ang magsisilbing kinatawan ng mga mananampalataya mula sa iba’t ibang mga parokya upang hingin ang habag at awa ng Panginoon mula sa iba’t ibang hamong kinakaharap ng lipunan.

Pagbabahagi ni Fr. Badong na isa rin itong paraan upang maiwasan ang ipinagbabawal na pagsasagawa ng mga public gathering kabilang na ang prosisyon na maaring maging dahilan ng pagkalat ng COVID-19 virus.

 

[smartslider3 slider=22]

 

“Linawin lang po natin, ito po ay gagawin pangungunahan ng mga Pari hindi po pupwedeng sumama ang mga tao sa prosisyon o sa paglalakad para po hindi tayo masita na parang nangunguna tayo sa pagsuway, sa paglabag ng protocol kasi sabi nga po walang prosisyon so ito po ay hindi prosisyon kundi maglalakad lang po ang mga Pari papunta dun sa Sta. Cruz Church.” pahayag ni Fr. Douglas Badong sa Radio Veritas.

Nilinaw rin ni Fr. Badong na ang nakatakdang gawain ay walang kinalaman sa politika o hindi isang political rally sa halip ay isang paraan ng Simbahan upang higit na maipaabot sa Panginoon ang pagsusumamo upang mawakasan na ang COVID-19 pandemic na nagdudulot ng malawakang krisis sa buhay ng bawat isa.

Gayunpaman inihayag ng Pari na kabilang sa panalangin ng Simbahan ay ang kaliwanagan ng isip ng bawat opisyal ng bayan upang makapagdesisyon ng para sa ikabubuti ng sambayanan.

“Hindi po ito political rally, ito po ay penitential walk wala po itong kinalaman sa [politika] syempre kasama sa panalangin natin ang lahat ng lider na maging malinaw ang desisyon pero higit sa lahat ito po ay pagdulog sa Diyos na tayo po ay tulungan na makayanan natin at malampasan yung pinagdaraanan natin dulot ng pandemic, so hindi ito political rally.” Dagdag pa ni Fr. Badong.

Unang inihayag ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na mayroong pahintulot ang nakatakdang gawain ng arkidiyosesis mula sa pamahalaang lungsod ng Maynila kung saan batid ni Manila City Mayor Francisco Domagoso na tanging mga Pari at relihiyoso lamang ng Archdiocese of Manila ang kabilang sa gawain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 158,683 total reads

 158,683 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 231,093 total reads

 231,093 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 264,540 total reads

 264,540 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 299,838 total reads

 299,838 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 520,124 total reads

 520,124 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top