1,813 total views
Nagpaabot ng pasasalamat ang Military Ordinariate of the Philippines (MOP) sa mga kabataang nakibahagi sa MOP Diocesan Youth Day.
Ayon kay Military Diocese Bishop Oscar Jaime Florencio, mahalaga ang aktibong partisipasyon ng mga kabataan sa mga gawain ng Simbahan.
Iginiit ng Obispo na ang mga kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayan na bubuo sa hinaharap ng bansa sa halip ay biyaya ng Panginoon na kinakailangang magabayan upang maging mabubuting kasapi ng lipunan.
“I’m happy that in this celebration we have the young people with us, sometimes the young people are neglected, sometimes minsan nasasantabi lang sila and it’s good that they are here. I was telling them important things that are significant for their lives as they are forming themselves to be the future leaders but also as gifts of the Lord for us today, the gifts of God given to the MOP today.” bahagi ng pagninilay ni Bishop Florencio.
Binigyan diin ng Obispo na naaangkop lamang na pahalagahan ang mga kabataan na biyaya ng Panginoon upang mahubog na mabuting katiwala ng Diyos.
“They are not just the future of the church nor the country nor whatever branch they belong or whatever camps they belong, they are gifts of God for us today, they are God’s given gift for us today so therefore they have to cherish that gift.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.
Ayon sa Obispo, isang napapanahong gawain ang naganap na MOP Diocesan Youth Day na paunang paghahanda sa nakatakdang World Youth Day 2023 sa Lisbon, Portugal na maaring daluhan ng mga kabataan sa pamamagitan ng lokal na simbahan.
Sinabi ni Bishop Florencio na mahalaga ang aktibong partisipasyon ng mga kabataan na katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng mabuting balita ng panginoon.
“Just in time because this year we are going to celebrate also the World Youth Day in Lisbon, Portugal so we might not be able to go there but at least we have already made some plans and programs for our young people, we cannot afford to lose our young people in our midst because like I said they are not just the future, they are God’s blessing for us now.”Ayon pa kay Bishop Florencio.
Pinangunahan ni Bishop Florencio ang paggunita ng MOP Diocesan Youth Day sa Shrine of Saint Therese of the Child Jesus, Newport Blvd, Villamor, Pasay City noong ika-4 ng Pebrero, 2023 kung saan nakibahagi rin sa gawain ang ilang mga chaplains ng Military Ordinariate of the Philippines (MOP) at ilang opisyal ng PNP.
Tinatayang umabot ng 200 kabataan ang nakibahagi sa MOP Diocesan Youth Day kung saan bukod sa ilang mga kabataang kadete mula sa Philippine National Police Academy (PNPA) ay nakibahagi din sa gawain ang mga anak ng mga uniform and non-uniform military men and women.