Paglaban sa human trafficking, tiniyak ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,947 total views

Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpapaigting ng mga hakbang upang labanan ang human trafficking.

Ito ay sa pamamagitan ng paglulunsad ng CBCP- Cluster Against Human Trafficking (CCAHT) ng kauna-unahang National Day of Prayer and Awareness against Human Trafficking (NDPAHT) na idinaos sa Shrine of Mary Queen Of Peace Our Lady of EDSA na mas kilala bilang EDSA Shrine.

Ayon kay CBCP Vice-president Mylo Hubert Vergara, hudyat ang paggunita ng N-D-P-A-0-H-T ang higit na pakikiisa ng simbahan at pagsasagawa ng mga hakbang na tutulungan ang mga biktima ng human trafficking.

“Hindi lang ito advocacy for prayer, it’s advocacy to do concrete actions against this vicous crime and sabi nga po sa sana marami pang mahikayat both individually and collectively para maharap natin itong mga problemang ito kasi ang naapektuhan hindi lang ang mga kababayan natin, kungdi pati abroad ngayon kasi isang matinding issue ay yung Online Sexual Exploitation, isang dapat harapin po natin yan kaya sana nga po magtulong-tulong ang public and private sector to really be active advocates of this endeavor against human trafficking,”  bahagi ng panayam ng Radio Veritas kay Bishop Mylo.

Ayon naman kay Father Roger Manalo – Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, sa tulong din ng pakikipagtulungan sa pamahalaan ay mas mapapalapit ang simbahan sa mga biktima ng human trafficking.

Ito ay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Department of Justice (DOJ) upang agad na matukoy at matulungan ang mga biktima.

Kasabay ito ng layunin ng Pari na paglulunsad ng mga educational program sa mga OFW upang magkaroon ng sapat na kaalaman hinggil sa mga bansang kanilang pagtatrabahuhan at maiwasan ang pagkakataon ng mga pang-aabuso.

Mensahe naman ni Father Jerome Secillano – Rector ng EDSA Shrine at Executive Secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Public Affairs na bukas upang magsilbing simbolo ng pag-asa at pagbangon mula sa anumang hamon sa buhay ang EDSA Shrine higit na para nakakatanggap ng pang- aabuso at human trafficking.

Ang pagsisimula ng taunang paggunita ng NDPAHT ay matapos italaga ang unang araw ng Linggo sa buwan ng Pebrero bilang araw ng pananalangin kasabay ng pag-aalala sa nakaranas ng modern-day slavery sa Pilipinas at maging sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 18,330 total views

 18,330 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 40,335 total views

 40,335 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 64,677 total views

 64,677 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 88,557 total views

 88,557 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 122,982 total views

 122,982 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top