1,836 total views
Suportado ng 119 Social Action Network kabilang ang NASSA/Caritas Philippines sa layuning mapahinto ang operasyon ng Altai Philippines Mining Corporation sa Sibuyan Island.
Sa inilabas na solidarity statement, nakikiisa ang Social Action Network sa Diocese of Romblon lalo na sa mga apektadong residente na patuloy na naninindigan upang mapangalagaan ang isla mula sa epekto ng ilegal na pagmimina.
“We are committed to advancing the principles of Laudato Si’ and be bearers of hope in the face of an ecological crisis, following our Lord Jesus, our Redeemer. As such, we commit to “integrate the care of creation as our common home in our teaching and practice of Christian discipleship” through concrete ecological actions in caring for our Common Home,” bahagi ng pahayag ng Social Action Network.
Naniniwala ang social action commissions ng bawat arkidiyosesis at diyosesis na hindi matutugunan ng pagmimina ang pangangailangan ng lalawigan ng Romblon, bagkus ay lalo lamang mag-iiwan ng pinsala sa buhay ng mamamayan at kalikasan.
Dagdag pa ng pahayag na ang paninindigang ipagtanggol ang Sibuyan Island laban sa ilegal na pagmimina ay para din sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.
“If we persist in damaging our only home, there will be no going back and our children, not just us, will bear the consequences of a degraded environment. Let us not pass on this legacy to future generations,” ayon sa pahayag.
Panawagan naman ng Social Action Network sa Department of Environment and Natural Resources, Altai Mining, at iba pang sangkot sa ilegal na operasyon na unahin ang kapakanan ng mamamayan ng Sibuyan at tuluyan nang ihinto ang ilegal na pagmimina.
Nakasaad sa Fratelli Tutti ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan ay pangangalaga rin sa ating kapwa.