Cease and desist order laban sa,APMC operations, hiniling ng SAM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,869 total reads

Nananawagan sa pamahalaan ang Sibuyanons Against Mining (SAM) para sa agarang pagpapatupad ng cease and desist order laban sa ilegal na operasyon ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) sa Sibuyan Island, Romblon.

Ayon kay SAM Coordinator Elizabeth Ibañez, kailangang agad na mapahinto ang operasyon ng ilegal na pagmimina sa Sibuyan Island upang hindi na lumawak pa ang pinsala nito sa kalikasan at magdulot ng panganib sa mga residente.

“Hinihingi natin ang agarang aksyon ng [Department of Environment and Natural Resources] Secretary through [Mines and Geosciences Bureau] Regional Director to issue a cease and desist order. Ang mabagal na aksyon ng DENR ay magdudulot ng malawak na pinsala sa Isla ng Sibuyan at kapahamakan sa mga mamamayan, “ bahagi ng pahayag ni Ibañez.

Tinukoy din ni Ibañez ang kawalang kakayahan ng mga opisyal ng Sangguniang Bayan ng San Fernando at Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon sa pagtugon sa panawagan ng taumbayan.

Iginiit ni Ibañez na sa halip na ipagtanggol ang kapakanan ng kinasasakupan ay pinagtatanggol pa ng mga opisyal ang ilegal na operasyon ng APMC.

“Walang maaasahang aksyon mula sa mga pinuno ng bayan at probinsya dahil lagi nilang ipinapasa ang kilos o aksyon sa national agency dahil sila ay takot at walang kapasidad na gampanan ang kanilang tungkulin sa mga mamamayan bagkus sila mismo ang tumatayong tagapagtanggol at tagapagsalita ng minahan,” giit ni Ibañez.

Noong Pebrero 3 ay napagkasunduan sa pagpupulong sa pagitan ng mga residente ng Sibuyan Island, Altai Mining at mga opisyal ng lokal at ahensya ng pamahalaan na isailalim muna sa status quo ang mining operation sa isla.

Nananatili naman sa nilikhang barikada ang mamamayan ng Sibuyan upang bantayan ang pagkilos at gawain ng APMC.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 22,675 total reads

 22,675 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 6,389 total reads

 6,389 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 46,952 total reads

 46,952 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 74,582 total reads

 74,582 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 122,847 total reads

 122,847 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 144,667 total reads

 144,667 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,199 total reads

 128,199 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top