MOP, nakahandang tumulong sa programa ng pamahalaan laban sa droga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,961 total reads

Nakahanda ang Military Ordinariate of the Philippines [MOP] na tumulong sa programa ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio paiigtingin ng mga pari ng MOP ang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad lalo na sa mga parokya at pagtulungang isulong ang mga programa sa kapakinabangan ng bawat mamamayan lalo na sa mga nalulong sa bisyo.

Ito ang tugon ni Bishop Florencio sa kahilingan ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. sa simbahan na tulungan ang pamahalaang maipatupad ang ‘BIDA program o Buhay ay Ingatan, Droga ay Ayawan’.

“Handa tumulong ang mga chaplains ng MOP na makipag-ugnayan sa regional, provincial, at lalo na sa municipal level para hikayatin ang mga parish priests na suportahan ang programa kasi doon talaga ang dapat tutukan at ayusin,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Ikinatuwa ni Bishop Florencio ang pagdalo ni Abalos sa 125th plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines noong January 29 kung saan humingi ito ng tulong sa mga lider ng simbahan sa maayos na pagpapatupad ng BIDA program na may paggalang sa dignidad ng mamamayan.
Hikayatin din ni Bishop Florencio ang MOP Chaplains na makipag-ugnayan sa mga obispo ng bawat diyosesis at talakayin ang programa para sa pagpapaigting ng pagtutulungan ng simbahan at pamahalaan.

Ang BIDA program ng DILG ay suportado ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. na kasalukuyang nagpapatupad ng internal cleansing sa hanay ng PNP gayundin ang suporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bukod dito tiniyak ni Bishop Florencio ang pagpapalakas ng spiritual programs sa lahat ng kampo ng security forces ng bansa.

“Isa sa mga bagay na gagawin ng MOP is to conduct also periodioc recollections so that they can also be enrich spiritually dahil dito sa labanan na ito maganda mayroon tayong spiritual enhancement at spiritual na mga bagay na dapat ibigay doon sa mga police at militar,” ani Bishop Florencio.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 23,976 total reads

 23,976 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 8,771 total reads

 8,771 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 49,331 total reads

 49,331 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 76,835 total reads

 76,835 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 125,100 total reads

 125,100 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 146,844 total reads

 146,844 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top