Pagpapalawig sa Paternity leave,isinulong sa Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,902 total reads

Inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na layuning palawigin ang ‘Paternity Leave Law.’

Sa ilalim ng House Bill 4430 ni Quezon City Rep. Marvin Rillo ay ibibilang na rin ang mga working father kahit na hindi pa kasal sa ina ng kanilang mga anak na mabigyan ng 30 days paternity leave with pay.

Ito ay kung ang mga tatay ay malaya pang makapagpakasal at nagsasama pa bilang pamilya.

Layunin ng panukala na masuportahan at maalagaan ng mga ama ang kanilang mga bagong panganak na kinakasama gayundin ang kanilang sanggol.

“The month-long paternity leaves credit with full pay would also cover every unmarried working father living in with the mother, provided that there is no legal impediment for them to wed,” ayon pa sa sinasaad ng panukala.

Igniit ni Rillo na hindi dapat ipagwalang bahala ang mga working father kahit hindi pa kasal sa ina ng kanilang anak.

“We should not discriminate against the unmarried working father in the grant of paid paternity leave credits, so long as he is living in with the mother and the couple are free to marry or stay together.”

Tinukoy ni Rillo ang nakasaad sa 1987 Constitution ” for the State to reinforce family solidarity and foster the total development of every family.”

Sa kasalukuyang umiiral na Paternity Leave Law na isinabatas noong 1996, tanging ang mga kasal na lalaking kawani ang benepisyaryo ng batas na pitong araw na pagliban sa trabaho ng may bayad hanggang sa ika-apat na anak.

Isinusulong ni Rillo na maamiyendahan ang batas at sa halip ay mapalitan ang salitang “married” ng “her partner” na ang tinutukoy ay ang “legitimate spouse.”

Bukod sa pagpapalawig ng hanggang “30 working days”, nakasaad din sa panukala na ang lahat ng working fathers, “regardless of their employment status would enjoy the paternity leave credit.“

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 11,656 total reads

 11,656 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 96,746 total reads

 96,746 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 191,077 total reads

 191,077 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 252,763 total reads

 252,763 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 298,103 total reads

 298,103 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top