Military Ordinariate of the Philippines, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya Ramos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,090 total views

Nagpaabot na panalangin at pakikiramay ang Military Ordinariate of the Philippines sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa edad na 94 na taong gulang.

Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio, nawa ay manatiling matatag ang naiwang pamilya at mahal sa buhay ng dating pangulo at heneral na nakilala bilang FVR na sumakabilang-buhay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19.

Panalangin din ng Obispo ang maluwalhating pagtanggap ng Panginoon sa dating opisyal ng bansa na masidhing naglingkod para sa kapakanan ng bayan.

“As a Military Bishop, I offer my sympathy to the family of the late President Fidel V. Ramos at the same time prayer that God may welcome him and forgive him of all his failures and sins while he was still alive with us.”pahayag ni Florencio sa Radio Veritas.

Binigyang pagkilala naman ng Obispo ang integridad ni Ramos bilang isang heneral at pangulo ng bansa na mariing nanindigan para sa tama at para sa kabutihan ng kapakanan ng taumbayan.

Pagbabahagi ni Bishop Florencio, hindi biro ang naging tungkulin ni dating Pangulong Ramos na humarap sa iba’t ibang mga hamon sa kanyang pamumuno tulad ng laban sa kahirapan, katiwalian at pagbabalik ng kasaganahan ng bansa habang pinatatatag ang demokrasya ng bansa.

“As to the legacy, well itong pagkapresidente nalang is all a challenging role alam po natin that hindi po madali lalong lalo na itong situation natin as a people we are always being challenge, challenge of poverty, challenge of corruption, challenge of unemployment and many others. Siguro the thing that I can always say is that he has stood his ground, siguro ito dapat i-acknowlegde natin and as a military man I know that ito rin po ay magandang legacy to stand his ground whatever challenges may come hindi bumibitaw, so alam natin that the late president was really a good state-man and a good military officer.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Si Ramos na nakilala bilang FVR na dating hepe ng Philippine Constabulary na ngayon ay Philippine National Police (PNP) ay isa sa mga mukha ng makasaysayang EDSA People Power Revolution noong 1986.

Si Ramos ang ika-12 pangulo ng Pilipinas na naglingkod sa posisyon mula taong 1992 hanggang 1998.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 20,466 total views

 20,466 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 95,080 total views

 95,080 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 175,159 total views

 175,159 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 218,298 total views

 218,298 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 218,148 total views

 218,148 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top