Mindanao Bishops, nakahanda ng mag-ulat kay Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 616 total reads

Puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng mga Obispo ng Mindanao na kabilang sa ikatlong batch ng mga Obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na magtutungo sa Roma para sa Ad Limina Visit kay Pope Francis.

Aminado si Archdiocese of Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma na wala pang pangkabuuang mensahe ang Mindanao Bishops para sa Santo Papa ay iisa ang kanilang hangarin at panalangin para sa pagpapatuloy ng proseso ng kapayapaan sa Mindanao.

Paliwanag ni Archbishop Ledesma na siya ring Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations na mahalaga ang pagpapatuloy ng proseso sa pagkamit ng kapayapaan sa rehiyon lalo na sa pagsisimula ng Bangsamoro Autonomous Region sa Mindanao.

“Pag-uusapan pa namin yan but one common aspiration sa Mindanao yung pagpapatuloy ng proseso sa Kalinaw o Kapayapaan especially now with the Bangsamoro Autonomous Region also being launch here in Mindana”
pahayag ni Archbishop Ledesma.

Naunang inihayag ni Archbishop Ledesma na kabilang sa kanyang mga ninanais na ibahagi at iulat sa Santo Papa bilang Arsobispo ng Cagayan de Oro ay ang mga programa ng akridiyosesis partikular na sa usapin ng pagsusulong ng kapayapaan sa pagitan ng Kristiyano at Muslim at pagpapatatag ng pundasyon ng pamilya.

Batay sa tala, may mahigit sa 1.4-na milyon ang bilang ng mga mananampalatayang Katoliko sa Archdiocese of Cagayan de Oro na pawang tintawagan upang manindigan sa katotohanan at maging katuwang sa misyon ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon.

Samantala, bukod sa mga Obispo mula sa Mindanao kabilang rin ang mga Obispo ng Archdiocese of Lipa sa ikatlong batch ng mga Obispong Filipino na makikibahagi sa nakatakdang Ad Limina visit kay Pope Francis na nakatakda sa ika-3 hanggang ika-7 ng Hunyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 21,332 total reads

 21,332 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 58,103 total reads

 58,103 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 284,373 total reads

 284,373 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 177,840 total reads

 177,840 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,722 total reads

 270,722 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top