Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,015 total views

Homiliya para sa Unang Araw ng Simbang Gabi, Ika-16 ng Disyembre 2022, Juan 5:33-36

May isang kuwento tungkol kay Teodora Alonso Realonda at ang anak niyang si Jose Rizal nang bata pa ito. Minsan isang gabi, noong panahon na wala pang kuryente sa Pilipinas, ni telebisyon o radyo o cell phone, nag-aaral daw ng leksyon ang batang Jose Rizal kasama ang nanay niya. Ang gamit na ilawan sa pagbasa ay isang kandilang nakasindi sa ibabaw ng mesa. Siyanga pala, kaya daw pala “nagsusunog ng kilay“ ang tawag sa mga sumisiryoso sa pag-aaral ay dahil talagang pwede sila masunugan ng kilay noong panahong iyon kapag inantok sila habang nagbabasa. Buti kung kilay lang ang masunog; baka pati buhok.

Inaantok na daw noon ang batang Rizal, kaya ang nanay na ang nagbasa at nakinig na lang ang bata. Maya-maya, hindi na rin pala nakikinig si Jose dahil nawili sa panonood sa mga gamo-gamong naglalaro sa paligid ng ilaw. Nang mapansin ito ni Aling Teodora, huminto ito sa pagbabasa at sinabi kay Jose, “May ikukuwento ako sa iyo, makinig kang mabuti.”

Pagkarinig pa lang sa salitang KUWENTO, nadilat na kaagad ang mga mata ng bata, tumingin sa nanay niya at nawala ang antok. Sabi ng Nanay niya, “Minsan, may dalawang gamo-gamo: isang matanda at isang bata. Pareho silang mahilig maglaro sa paligid ng ilaw ng kandila. Isang gabi, lumipad ang batang gamo-gamo nang masyadong malapit sa ningas ng kandila. Kaya binalaan siya ng mas matanda, ‘Mag-ingat ka sa paglapit mo sa ningas, baka masunog ang pakpak mo at hindi ka na makalipad.’”

Mayabang na sinabi ng batang gamo-gamo na hindi raw siya natatakot. Kaya nagpatuloy ito sa paglipad, papalapit nang papalapit sa ningas, hanggang sa dumampi ang pakpak niya sa apoy at nasunog ito, at nalaglag siya sa mesa. Sabi ng matandang gamo-gamo, “Sinabi ko na sa iyo, matigas kasi ang ulo mo, hindi ka nakinig sa akin, kaya ngayon hindi ka na tuloy makalilipad na muli.”

Hindi na napansin ng ina na hindi nakikinig ang batang Rizal sa pagkaaliw sa panonood niya sa aktwal na drama ng gamo-gamo. Tinapos pa rin ng nanay niya ang kuwento sa isang aral: “Kaya huwag pamarisan ang batang gamo-gamo na matigas ang ulo. Makinig sa pangaral ng nakatatanda, para di ka mapahamak.”

Ang nakuha niyang aral ay baligtad, hindi babala, kundi paghanga sa lakas ng loob at matinding pagkahumaling ng gamo-gamo sa liwanag na sapat nang dahilan para lumapit sa liwanag kahit alam niyang delikadong masunugan siya ng pakpak at mamatay.

Ang kuwento ng buhay ng magpinsan na sina Juan Bautista at Hesus ay parang kuwento rin ng dalawang gamo-gamo. Walang babala na pumigil sa kanila na lumapit sa liwanag. Ano ang napala ni Juan? Pinugutan siya ng ulo. Ano naman ang napala ni Hesus? Ipinako siya sa krus tulad ng isang kriminal.

Ganoon ang sinasabi ng ating ebanghelyo. Ginagamit ang talinghaga ng liwanag para ilarawan kung ano ang Diyos sa buhay natin. Si Juan daw ay nagpatotoo sa Diyos. Ibig sabihin, hindi siya mismo ang ilaw. Patotoo lamang siya. Ang Diyos mismo ang “parang maningas na ilaw” na kanyang nilalapitan at pinagkukuhanan ng liwanag. Kaya lumalapit din daw ang mga tao kay Juan dahil “nasiyahan sa kanyang pagpapatotoo sa liwanag.”

Kay Juan Bautista at sa kanyang mga gawain unang nakita ni Hesus ang matinding pagkahumaling sa liwanag. Ngunit giit ng manunulat, ang gawain ni Hesus ay higit pang patotoo kaysa mga gawain ni Juan.

Sa unang pagbasa, sa orakulo ng propeta Isaias, parang ningas din ng kandila ang nakikita kong paglalarawan sa templo ng Jerusalem. Darating daw ang panahon na hindi lang ang mga Hudyo kundi pati ang mga dayuhan (mga Hentil) ang maaakit sa Salita ng Diyos at papasok sa templo. Dito kay Isaias kinuha ni Hesus ang salitang binitawan niya noong pinagtataboy niya ang mga nangangalakal ng tupa at baka mula sa mismong lugar sa templo na laan para sa mga dayuhan ayon sa kuwento ni San Marko. Ang sigaw niya ay ang narinig natin sa unang pagbasa, “Ang bahay ko’y magiging bahay-dalanginan para sa LAHAT ng mga bansa.”

Kaya sinabi rin ng propeta “ang mga dating dayuhan ay mabibilang sa kanyang bayan.” Ibig sabihin, lahat ay maaakit sa liwanag ng katotohanan na itinatanglaw ng Salita ng Diyos.

Ewan kung napansin ninyo ang simula ng ebanghelyong binasa natin, “Sinabi ni Hesus sa mga Hudyo.” Teka, hindi ba Hudyo rin si Hesus sa usapin ng pang-relihiyon? Oo pero sa ganang mga taga-Judea, hindi siya totoong Hudyo dahil hindi siya talaga tubo sa bayan ng Judea. Kaya antipatiko sa kanya ang mga taga-Judea ay dahil siya raw ay taga-Galilea, at “wala daw manggagaling na mabuti sa Galilea.”

Kaya ang mensahe nila sa kanya ay “Lumayo ka sa templo namin. Dayuhan ka rin. Hindi ka kasali. Ang mensahe naman ni Hesus ay, “Sa aking Ama, lahat kasali.” Ito ang matapang na patotoo ng mga tunay na nagmamahal sa Liwanag.

Baguhin natin nang kaunti ang kuwento. Imbes na gamu-gamo, isipin natin na parang dalawang kandila ang lumalapit sa nakasinding ilaw. Binabalaan sila, umiwas kayo sa apoy, kapag nasindihan kayo nito, masusunog kayo at mauupos. Pero hindi sila masaway, di-mapigilan. Para sa kanila para bang walang saysay ang maging kandila kung hindi rin lang masisindihan. Kaya pilit pa ring lumalapit. Alam kasi ng kandila, ang tunay na kalaban ay kadiliman. Ngunit ang sinumang ibig magbigay ng liwanag ay dapat maging handang masunog at mamatay.

Napansin ko sa Missalette ng Sambuhay na ang mungkahing pangkalatang tema para sa Simbang Gabi ay SYNODALITY o PAKIKILALBAY. Ang unang sangkap ng isang simbahang sinodal ayon kay Papa Francisco ay pakikipagkaisa ng puso at diwa kay Kristo (communion). Nagaganap ito dahil sa biyaya ng binyag na tinanggap nating lahat. Sa binyag, sinisindihan ang bawat mananampalataya sa ilaw ni Kristo sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Kaya siguro malakas ang hatak sa atin ng Simbang Gabi. Sa dilim naghahanap ang tao ng liwanag. Pag taglamig naghahanap ang tao ng init. Alam nating ang init at liwanag ng Diyos ang bumubuhay sa daigdig. Kahit alam nating init din at liwanag ang maaari natin ikamatay, walang makapipigil sa atin na lumapit sa Diyos tulad ng paglapit ng gamo-gamo sa apoy kahit ito ay maaaring ikapahamak. Walang makasusupil sa kanyang pagnanasang maging bahagi ng walang hanggang liwanag.

Lumalapit tayo sa Diyos upang maitaboy ang dilim ng katiwalian sa daigdig at tanggapin ang liwanag ng katarungan. Lumalapit tayo upang iwaksi ang lamig ng poot at pagwawalang-bahala at tanggapin ang init ng pagibig at malasakit.

Bilang conclusion, gawin nating panalangin ang isang awit na kinakanta natin sa simbahan:

“Liwanag ng aming puso, sa ami′y manahan Ka

Ang init ng ‘Yong biyaya, sa ami′y ipadama

Patnubay ng mahihirap, oh, aming pag-asa’t gabay

Sa aming saya at hapis, tanglaw Kang kaaya-aya”

“Liwanag ng kaaliwan, sa ami’y dumalaw Ka

Kalinga Mo ang takbuhan, noong unang-una pa

Pawiin ang aming pagod, ang pasani′y pagaanin

Minamahal kong kandungan, sa hapis, kami′y hanguin.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,018 total views

 5,018 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 18,158 total views

 18,158 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 24,131 total views

 24,131 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 29,886 total views

 29,886 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 37,148 total views

 37,148 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 870 total views

 870 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 871 total views

 871 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,625 total views

 3,625 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,040 total views

 8,040 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,366 total views

 3,366 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,889 total views

 3,889 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,388 total views

 5,388 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,232 total views

 6,232 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,487 total views

 4,487 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,700 total views

 8,700 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,932 total views

 7,932 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,142 total views

 12,142 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,590 total views

 5,590 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,594 total views

 5,594 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,594 total views

 5,594 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top