Misa ng pasasalamat sa 100-graduates ng church drug rehab, pangungunahan ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 550 total reads

Ipagdiriwang ng Sanlakbay ang kanilang unang taon sa pagbibigay ng tulong sa mga drug dependent kasunod nang inilunsad na ‘war on drugs’ ng pamahalaan.

Ang Sanlakbay: Tungo sa Pagbabago ng Buhay ay isang community -based rehabilitation program-initiative nang Archdiocese of Manila sa pakikipagtulungan na rin ng Department of Health, Department of Interior and Local Government, at Dangerous Drug Board na itinatag noong Setyembre 2016.

Ayon kay Fr. Roberto Dela Cruz ng Sanlakbay at Restorative Minister ng Archdiocese of Manila, tema ng pagdiriwang ang “Butil ng Nagkakaisang Pag-asa, Hitik sa Bunga” kung saan pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang isasagawang misa ng pasasalamat sa San Sebastian Basilica Minore dakong 9 ng umaga sa October 21.

Magkakaroon din ng maigsing programa kung saan dadalo ang may higit sa 100 drug surrenderers na nagtapos sa 6 month drug rehabilitation program.

Ayon pa kay Fr. Dela Cruz, inimbitahan na rin ang Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa pagdiriwang kabilang na rin sina PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, NCRPO Chief Oscar Albayalde at iba pang opisyal ng gobyerno.

September 23, 2016 nang isagawa sa pilot parish ng San Roque De Manila ang programa at opisyal itong inilunsad noong Oct. 23, 2016.

Sa kasalukuyan ay may 12 parokya sa Maynila ang nagsasagawa ng community based rehabilitation, habang 16 pang mga parokya ang inaasahang magbubukas ng community rehab para sa mga drug surrenderers sa kanilang nasasakupan.

Ang Archdiocese of Manila ay binubuo ng 94 na parokya na inaasahang maglalagay ng mga community based rehabilitation bilang tugon sa problema ng droga sa bansa.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 19,416 total reads

 19,416 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 80,193 total reads

 80,193 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 165,560 total reads

 165,560 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 212,296 total reads

 212,296 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 260,167 total reads

 260,167 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 360,159 total reads

 360,159 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top