MOP, tutol na magmay-ari ng semi-automatic weapons ang mga sibilyan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,452 total views

Hindi pabor ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pagpapahintulot sa mga sibilyan na bumili at magmay-ari ng semi-automatic rifles o mataas na kalibre ng baril.

Ayon kay Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, maaring magdulot lamang ng mas malaking problema ang pagpapahintulot sa mga sibilyan na magmay-ari ng matataas na kalibre ng baril.

Pagbabahagi ni Bishop Florencio na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, bukod sa kapahamakan na maaring idulot nito para kaligtasan ng mga mamamayan ay hindi din ito naaakma para isang maliit na bansa na dapat ay ipinapaubaya na lamang sa mga alagad ng batas.

Personally, I would not want to have our civilians na bigyan ng nga semi-automatic rifles or any rifles for that matter. We are a poor country bakit bibili tayo ng nga baril na iyan. Ibigay na iyan sa autoridad. At alam ninyo kong merong baril ang mga civilians, it might cause another big problem.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio sa Radyo Veritas

Partikular ring tinukoy ng Obispo ang suliranin ng kriminalidad sa Estados Unidos kung saan dahil sa maluwag na polisiya ng bansa sa pagbili at pagmamay-ari ng baril ng mga sibilyan ay tila wala na ding naangkop na kaalaman at pananagutan ang mga nagmamay-ari ng baril sa paggamit nito na kadalasang nauuwi sa karahasan.
Bukod dito, iginiit din ni Bishop Florencio na walang nagaganap na digmaan o gyera sa Pilipinas upang pahintulutan ang mga sibilyan na magmay-ari ng matataas na kalibre ng baril at armas.

In America bakit problema ang mga tao meron baril simply because they have a loose na batas na lahat ay puede humawak ng baril without responsibility doon sa nakakamatay na baril. Hindi man tayo nasa Guerra.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Una ng kinundina ng Gunless Society Philippines ang implimentasyon sa inamyendahang implementing rules and regulations (IRR) ng Philippine National Police (PNP) sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition kung saan pinapayagan na bigyan ng lisensiya ang mga sibilyan para bumili at magmay-ari ng M-14 rifles at iba pang semi-automatic na mga baril.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 20,838 total views

 20,838 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 38,638 total views

 38,638 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 38,638 total views

 38,638 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 151,741 total views

 151,741 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 172,564 total views

 172,564 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 13,525 total views

 13,525 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top