Kababaihan, binalaan laban sa skin lightening products

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,456 total views

Nanawagan ang EcoWaste Coalition ng sama-samang pagkilos upang mapanatiling ligtas ang kalusugan ng mga kababaihan sa pagkakalantad sa mercury na makikita sa mga produktong pampaganda ng kutis.

Ito ang panawagan ng grupo bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day.

Ayon kay EcoWaste national coordinator Aileen Lucero, dapat sumunod sa mahigpit na panuntunan ang pamahalaan, mga negosyo, kabilang na ang mga online sellers, at mga mamimili upang mapigilan ang pag-aangkat, pamamahagi, at pagbebenta ng mga ilegal na skin lightening products na mayroong mercury.

Iginiit ni Lucero na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga kababaihan lalo na sa mga nagdadalantao ang paggamit ng mga produktong mayroong mapanganib na kemikal na karaniwang naaapektuhan ay ang kidneys, nervous system, at balat.

Women of child-bearing age are particularly sensitive to the harmful effects of mercury, and exposure to this toxic chemical during pregnancy may increase the risk of serious health problems for the baby in the womb, including brain damage, blindness, deafness, and congenital malformations,” pahayag ni Lucero.

Ilan sa mga sintomas ng mercury poisoning ang pagbabago ng panlasa at pandinig, paglabo ng paningin, pamamanhid, at depresyon.

Hinamon naman ni Lucero ang Bureau of Customs at National Bureau of Investigations, na higit pang tutukan ang pagbabantay upang mapigilan ang pagpupuslit ng mga cosmetic product na karamiha’y mula sa China, Pakistan, at Thailand.

Dagdag pa ng grupo ang apela sa Food and Drug Administration makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang mahigpit na maipatupad ang ASEAN Cosmetic Directive, Minamata Convention on Mercury, at iba pang mga panuntunan para matiyak ang kaligtasan ng mga kinasasakupan mula sa mga ilegal na produkto.

We need our local leaders to keep their cities and municipalities safe from these poisonous cosmetics that can endanger the health of their constituents, women and children in particular, as well as pollute the environment,” ayon kay Lucero.

Nakasaad sa Katuruang Panlipunan ng Simbahan na bagamat sang-ayon ang simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, mas makabubuti na ang negosyo nito’y hindi nagdudulot ng kapahamakan sa kalusugan ng mamamayan at kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 21,906 total views

 21,906 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 39,706 total views

 39,706 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 39,706 total views

 39,706 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 152,754 total views

 152,754 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 173,484 total views

 173,484 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 8,493 total views

 8,493 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top