Muling mauhaw sa pag-ibig ng Panginoon, Mensahe ng PCNE5

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 553 total reads

Ito ang pambukas na pagninilay ni Fr. Dexter Toledo, OFM sa pagsisimula ng Philippine Conference on the New Evangelization na ginanap sa University of Santo Tomas.

Ayon kay Fr. Toledo, dapat na pagnilayan ng bawat Pari, Relihiyoso at mga nagtalaga sa kanilang buhay ang patuloy na pagka-uhaw sa Panginoon.

“Nauuhaw pa ba tayo? Di natin kayang magsalita sa taong uhaw kung hindi kinikilala ang ating pagka-uhaw,” ayon kay Fr. Toledo.

Iginiit ng pari na hindi maaring tumugon sa pagka-uhaw ng iba kung hindi nararanasan ang pagka-uhaw na sanhi ng mga paghihirap at pangungulila na tuwinang nararanasan ng mga karaniwang taong nangangailangan.

Inihayag ni Father Toledo na ito ang hamon sa mga Pari at Relihiyoso na siya ring pangunahing pangako ng bawat isa bilang alagad ng Simbahan at ng Diyos.

“Simbolo ngayong araw ang tubig sa dambana hanggang sa mga susunod na pagninilay, tanungin ang sarili, kailan tayo huling nauhaw at paano magbibigay ng tubig sa iba?” ayon kay Fr. Toledo Anchor Priest ng Radio Veritas sa Programang Barangay Simbayanan na mapapakinggan tuwing Huwebes alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.

Hinikayat din ni Fr. Toledo ang kapwa niya Pari at Relihiyoso na tuwinang humiling ng lakas sa Panginoon, upang mabiyayaan ng ulan ng pagmamahal bilang Kristiyanong nagmamalasakit sa kaniyang Bansa.

Ang unang dalawang araw ng PCNE5 ay idararos sa UST na para sa mga Pari at Relihiyoso kaugnay na rin ng pagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas ng ‘Year of the Clergy and the Religious’ na bahagi ng paghahanda ng Simbahan sa ika-500 taon ng kristiyanismo sa Pilipinas.

Ang Pilipinas na binubuo ng higit sa 10,000 Pari at Relihiyoso at higit sa 18,000 bilang ng mga nagtalaga ng kanilang sarili sa Panginoon.

Ang PCNE5 ay nagsimula July 16 at magpapatuloy hanggang sa July 22, 2018.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 38,440 total reads

 38,440 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 264,720 total reads

 264,720 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 158,185 total reads

 158,185 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 252,216 total reads

 252,216 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 294,629 total reads

 294,629 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top