Kaunlaran, Matatamasa ng Pilipinas kung mayroong kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 501 total reads

Tanging sa pagkakaroon lamang ng ganap na kapayapaan sa Bansa magmumula ang maunlad at mapayapang pamumuhay ng mamamayan.

Ayon kay Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez – Chairman ng Ecumenical Bishops Forum, lubos na mahalagang maisulong at maipagpatuloy ang Peacetalks o ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Pamahalaan at ng mga Komunistang grupo sa Bansa.

Dahil dito umaasa ang Obispo na magiging bukas ang isipan ng mga Opisyal ng Bayan na may tunay na pagmamalasakit sa Bansa na isulong ang usapang Pangkapayapaan.

Naninindigan si Bishop Iniguez na sa pamamagitan lamang ng Peace talks matatalakay ang mga naaangkop na hakbang kung papaano makakamit ang pangmatagalang kaayusan at kapayapaan.

“Bigyan ng pansin ng mga nagmamalasakit para sa bayan na maituloy ang Peacetalks between the Philippine Government at saka yung Democratic Front kasi ang kapayapaan yan yung General Situation natin para talagang mabuhay tayo ng nagkakaisa, mabuhay tayo sa kaunlaran…” pahayag ni Bishop Iniguez sa panayam sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo na tanging ang usapang pangkapayapaan lamang ang Solusyon upang magkaroon ng ganap na pagkakasundo ang iba’t ibang Rebeldeng grupo at ang Pamahalaan na sa loob ng mahabang panahon ay patuloy ang labanan.

Kaugnay nito, bago pa muling maisantabi ang usapang pangkapayapaan ay nakapagsagawa na ng 5th round ng Peace talks ang Pamahalaan at CPP-NPA-NDF panel na tumutok sa usapin ng Social and Economic Reforms.

Gayunpaman, batay sa tala ng Alliance for the Advancement of Poeple’s Rights o Karapatan mula noong May 2016 ay mahigit na sa 500 ang mga itinuturing na Political Prisoners ang ilegal na inaresto ng Pamahalaan.

Naunang binigyang diin ni Pope Francis na hindi kailanman makakamit ang kapayapaan sa Pamamagitan ng armas kundi sa isang payapang Dayalogo.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 24,122 total reads

 24,122 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 45,422 total reads

 45,422 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 82,799 total reads

 82,799 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 114,067 total reads

 114,067 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 188,355 total reads

 188,355 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 280,333 total reads

 280,333 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 27,601 total reads

 27,601 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top