Makibahagi sa pagiging pari ni Hesukristo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 455 total reads

Ito ang hamon ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga pari, relihiyoso at relihiyosa sa unang bahagi ng kanyang plenary talk sa pagsisimula ng Philipine Conference on New Evangelization 5 sa University of Sto.Tomas.

Unang binigyang diin ng Cardinal sa kanyang pahayag sa temang “Sharing in the One Priesthood of Christ”, ang kahalagahan ng pagiging masunurin sa Diyos.

Ayon kay Cardinal Tagle, sa pagiging pari ni Hesus, ipinakita nito ang dakilang halimbawa ng pagtalima sa Diyos Ama na sa kabila ng kanyang nadamang takot bilang tao, ay patuloy parin itong sumunod sa misyong ibinigay ng Panginoon.

“The perfection of obedience to God comes when you no longer understand the will of God,” bahagi ng pahayag ni Kardinal Tagle.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle ang kahalagahan ng pakikibahagi ng mga pari, relihiyoso at relihiyosa sa mga pangkaraniwang tao.

Tulad ni Hesus, sinabi ni Kardinal Tagle na ang mga pari at madre ay dapat maging tagapamagitan ng Diyos Ama sa mga karaniwang tao, lalong-lalo na sa mga makasalanan.

Dahil dito, ipinakita din ni Hesus ang kanyang pakikiisa sa mga makasalanan sa pamamagitan ng paghihirap, pagpapakasakit, at pagpapasan ng krus para sa sangkatauhan.

“When it comes to Jesus it is mediation, truly God but also truly human. Instead of separation from humanity he showed existential solidarity with sinners.” Pahayag ni Cardinal Tagle.

Sa huli, binigyang diin ng Kardinal ang makapangyarihang gawain ni Hesukristo na pagiging tagapag-isa.

Aniya, nawa ay matularan ito ng mga pari, relihiyoso at relihiyosa dahil ito ang magiging daan patungo sa kabanalang tulad kay Hesus.

“Jesus sets in motion a powerful movement of holiness, of solidarity, of reconciliation, of communion, abolishing all barriers and separation, reuniting people among themselves as brothers and sisters in compassion and reuniting sinful humanity, wretched humanity, with the holy God.” Dagdag pa ng Kardinal.

Ang unang dalawang araw ng Philippine Conference on New Evangelization na sinimulan ngayong ika-18 hanggang sa ika-19 ng Hulyo sa University of Santo Tomas – Quadricentennial , ay espesyal na inilaan para sa mga pagdiriwang ng simbahan sa Year of the Clergy and Consecrated persons.

Sa ikatlong araw naman nito sa ika-20 ng Hulyo ay bubuksan ito para sa lahat kabilang na ang mga layko, at magtatapos ang PCNE hanggang sa ika-22 ng buwan.

Noong nakaraang taon tinatayang umabot sa 6,000 mga mananampalatayang dumalo sa PCNE, kabilang na dito ang mga pari, relihiyoso at relihiyosa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 1,336 total reads

 1,336 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 39,739 total reads

 39,739 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 266,010 total reads

 266,010 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 159,475 total reads

 159,475 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 253,430 total reads

 253,430 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,403 total reads

 34,403 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,300 total reads

 27,300 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top