Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SOP ng PNP na “hindi kilalang salarin”, ikinadismaya ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 286 total views

Ikinalulungkot ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Vice-President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang lumalalang culture of impunity sa bansa.

Tinukoy ni Bishop David ang walang saysay na pagpatay ng mga naka-bonnet sa 18-taong gulang na college student na si John Cyrell Ignacio at 31-taong gulang na si Jobert Cabigo sa Tinajeros, Malabon.

Apat ding indibidwal na bisita sa isang birthday party ang nasugatan sa pamamaril ng mga naka-bonnet na suspek.

Ayon kay Bishop David, gasgas at paulit-ulit na ang alibi ng mga pulis sa tuwing mayroong napapatay.

“May pinatay na naman doon sa aming Diocese sa Malabon. 19 years old at 31 years old. Pinasok ng mga naka-bonnet ang sari-sari store na pinagdausan ng birthday. Mga hindi kilalang salarin, parating ganyan ngayon, parating hindi kilalang salarin.’’ pahayag ni Bishop David sa pogramang Barangay Simbayanan.

Heartbreaking
Ikinaantig ng puso ni Bishop David ang sumbat at mga katanungan sa kanya ng mga magulang at mahal sa buhay ng mga nasawing biktima.

Tinawag din ng Obispo na unfair at anti-poor ang anti-drug operations at anti-tambay campaign ng PNP.

Tapos noong Saturday ako yung namuno para doon sa funeral mass ng isang kabataan na disi-otso anyos lang. It was so heartbreaking. Dalawa silang pinatay, hindi naman sila tambay. Nandoon sila sa loob ng sari-sari store. Mayroon silang kaibigan na nagbi-birthday, tapos pinasok din sila ng mga naka-bonnet. Yung apat mga tinamaan din ng daplis na bala. So, nasa ospital pa rin. Iyong pagbasa pa naman galing sa John Chapter 11, typical yon, one of the recommended readings for a funeral mass, tungkol sa kamatayan ni Lazaro. Iyong pinakamasakit na bahagi doon yung i-confront ni Martha si Jesus. Ang sabi niya, kung nandito ka lang hindi sana namatay ang kapatid ko. Iyong sumbat ‘di ba? Tapos naiyak si Jesus. Alam mo, ganoon na ganon yung naramdaman ko, kasi bakit sila ng bakit sa akin.Bakit? Bakit Bishop? Bakit ang anak pa namin? Bakit siya pa? Hindi ko ‘yun masagot.”saad ni Bishop David

Sufferings

Iginiit ng Obispo na sobra-sobra na ang pagdurusa at injustice na dinaranas sa kasalukuyan ng mga mahihirap.

“Ito iyong mga pagdurusa na tinutukoy namin sa CBCP. Sabi ko nga, tingnan mo ngayon pati mga tambay pinagdidiskitahan. Hindi ba nila naiisip na yung mga bahay ng mga batang ito sa iskwater, mga katiting lang talaga? Kaya yung mga eskinita diyan din sila nagluluto, kumakain, nagpapahangin, naglalaro ang mga bata. Bakit ba ang mga bata kapag tumatambay sa Starbucks, hindi naman sila hinuhuli? Bakit ang dukha kapag tumambay sa labas para magpapahangin lang, huhulihin na? It is so unfair and so anti-poor. Wala ba tayong pakiramdam para sa kanila.” malungkot na pahayag ni Bishop David

Stop the killings, stop warrantless arrest!

Iginiit ni Bishop David na dapat kilalanin ng pamahalaan lalo na ng mga otoridad ang “civil liberties” ng mamamayan.

Hinimok ng Obispo ang mga otoridad na sa halip na patayin ang mga sangkot sa iligal na droga ay i-rehabilitate sila at itigil na ang warrantless arrest sa mga tambay.

Naniniwala si Bishop David na ang gobyerno natin ang nagiging kriminal dahil ang ginagawang pagsupil sa krimen ay sa pamamagitan din ng pamamaraang kriminal.

“Dapat talaga matigil ‘yang negosyo sa iligal na droga pero hindi naman sa pamamagitan ng pagpaslang sa mga biktima mismo. May sakit sila, may mga paraan para mapagaling natin. Paano mo pa maire-rehabilitate yung mga patay? Kaya huwag tayong maniniwala na kaya nating supilin ang krimen sa pamamagitan rin ng mga pamamaraang kriminal. Otherwise, ang gobyerno mismo natin ang nagiging kriminal. Hindi tama iyon. Tapos ‘yung pag-aaresto ng walang warrant, pagpasok sa mga bahay na walang warrant, hindi naman tayo Martial law di ba? Dapat kinikilala natin ang mga civil liberties. Sinasabi lang natin na gawin naman natin ang tama nang naaayon sa batas. Kung may pagkakamali yung tao at may ebidensiya ka at may charges ka with the person, arestuhin siya. Pero huwag naman ‘yung para bang tuldukan ‘yung buhay ng tao. Hindi tayo Diyos. Huwag tayo magdi-Diyos-diyosan.”

Unabated killings

Ibinunyag din ni Bishop David sa panayam ng Barangay Simbayanan na hindi lang isang tambay ang namatay sa kanyang Diyosesis.

Inihayag ng Obispo na sinabi sa kanya ng isang photo journalist na mayroon pang apat na hindi kilalang bangkay ang nasa morgue na galing sa isang police station.

“Hindi lang isang tambay na namatay doon sa amin, mayroon pang apat na bangkay doon sa morgue na galing sa police station. So, hindi pa sila na-a-identify. In-alert lang ako ng isang photojournalist. Sabi niya, ayaw pong ibigay ang mga pangalan sa amin.” pahayag ng Obispo

Nilinaw ng Obispo na bunsod ng ganitong nakakadurog ng puso na pangyayari sa mga mahihirap ay binuksan ng Simbahan ang kanyang pintuan para sa mga naulila.

“Ito ‘yung para bang madudurog talaga ‘yung puso mo lalo na kapag nakilala mo ang asawa, mga anak. Kanino ba lalapit ‘yung mga biyuda? Kanino ba lalapit ‘yung mga naulila? Eh ‘di sa simbahan rin. Kaya binubuksan namin ang pintuan ng simbahan para naman matulungan, makaakay tayo nang kaunti, kahit kaunti lang sa kanila.” malungkot na pahayag ni Bishop David.

Sa pinahuling datos ng PNP, umaabot na sa 23,000 ang nasawi o death under investigation sa madugong kampanya ng iligal na droga sa bansa.

Batay din sa datos ng PNP, mahigit sa 10,000 tambay na ang dinakip sa Oplan Tambay ng pamahalaan.

Nabatid ng Veritas Research team na nitong nakaraang ika-14 ng Hulyo 2018 ay 6 na drug suspect ang nasawi sa magkahiwalay na operasyon ng PNP sa Pasay City,Quezon City at Bulacan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 4,878 total views

 4,878 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 10,633 total views

 10,633 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 17,896 total views

 17,896 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 25,881 total views

 25,881 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 33,416 total views

 33,416 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Arnel Pelaco

“Magpakatotoo: Magpakatao at Makipagkapwa-tao.”

 1,369 total views

 1,369 total views Ito ang hamon ni Luis Antonio Cardinal Tagle, Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization bilang guest speaker sa Ateneo de Manila University college at graduate school class of 2024 noong ika-21 ng Hunyo 2024. Sa nasabing 2024 University commencement, ginawaran si Cardinal Tagle ng degree of Doctor of Philosophy, honoris causa. Sinabi ng

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mapayapang Ecumenical engagement sa ibang Denominasyon patuloy na isinasagawa ng Simbahan

 14,668 total views

 14,668 total views Naging maayos ang “ecumenical engagement” sa pagitan ng Ministry of Ecumenical and Interfaith Affairs ng Archdiocese of Manila at North American Old Roman Catholic Church (N-A-O-C-C) sa Villa San Miguel, Mandaluyong city noong September 14, 2023. Isinagawa ang peaceful dialogue sa pagitan ng Roman Catholic Church at NAOCC upang maayos ang hindi pagkakaunawaan

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Simultaneous outreach programs, isinagawa ng Diocese of Cubao

 15,068 total views

 15,068 total views Nagsagawa ng simultaneous outreach programs ang 46 Parishes ng Diocese of Cubao ngayong August 26, 2023 bilang bahagi ng ika 20 taong anibersaryo ng diyosesis. Ayon sa liham ni Bishop Ongtioco, layunin nito na iparamdam sa mga mananampalataya lalo na sa mga mahihirap na parishioner na ang diyosesis ay nakikiisa at dumaramay sa

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

P1M halaga ng shabu nakumpiska ng BOC

 14,585 total views

 14,585 total views Naharang ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang pagpasok sa bansa ng isang bagahe na may lamang P1.055 milyong halaga ng shabu. Ayon sa BOC ang idineklarang chocolate package ay nakitaan ng kahina-hinalang laman ng idaan sa x-ray inspection. Nakita sa loob ang isang pack ng Nerds gummies na mayroong isang

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mayorya ng mga mananampalatayang Katoliko ang tumutupad sa kanilang holy week obligations

 15,216 total views

 15,216 total views Ito ang lumabas sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) mula ika-22 ng Pebrero 2023 hanggang a-1 ng Abril 2023 sa may 1,200 respondents nationwide na mayroong +/-3 margin of error. Base sa Veritas Truth Survey (VTS), 58-porsiyento ng 1,200 respondents ang nagsabing hindi sila nahihirapang tumutupad sa kanilang holy week obligations. Ayon sa

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Caritas Philippines, magtatayo ng Advocacy ministry sa lahat ng parokya

 6,128 total views

 6,128 total views Magtatatag ang NASSA/Caritas Philippines ng tatlong (3) advocacy ministry na tutugon sa pangangailangan ng mahihirap at vulnerable na sektor ng pamayananan sa Pilipinas. Sa katatapos na 5-araw na 40th National Social Action General Assembly o NASAGA na isinagawa sa General Santos City ay kinilala ng 204 na social action workers na kinabibilangan ng

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

NTC, ITINANGHAL NA 2021 FOI CHAMPION

 3,227 total views

 3,227 total views Sa katatapos na 2021 Freedom of Information (FOI) Awards ceremony, iginawad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), sa pamamagitan ng Freedom of Information – Project Management Office (FOI-PMO) sa National Telecommunications Commission (NTC) ang FOI Champion Award sa Agencies, Bureaus, Councils and Commissions sa National Government Agency (NGA) category. Dinaig ng NTC ang

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mass for Frontliners, pangungunahan ni Cardinal Advincula

 3,180 total views

 3,180 total views Pangungunahan ni Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang “mass for frontliners”. Ang “mass for frontliners” ay alay ng Simbahang Katolika sa mga healthcare worker o medical frontliners na itinuturing na national heroes o pambansang bayani sa gitna ng nararanasang COVID 19 pandemic hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa buong

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

“1GODLY Vote”, ilulunsad ng Archdiocese of Manila Commission on Social Communication

 3,103 total views

 3,103 total views Ang Diyos ay bahagi ng ating buhay. Marapat lamang na dalhin ang Diyos sa lahat ng larangan at bawat gawain ng tao. Ito ang misyon ng itinatag na programa ng Archdiocese of Manila Commission on Social Communication na binubuo ng Radyo Veritas846, TV Maria at Archdiocesan Office of Communications na “1GODLY VOTE” na

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Hindi maayos na sound system, pangunahing problema sa banal na misa

 3,123 total views

 3,123 total views Ito ang lumabas sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) noong ika-31 ng Marso hanggang ika-30 ng Abril 2021. Base sa V-T-S, nais din ng 24-percent ng 1,200 respondents nationwide na maging maayos ang mga “Choir” at magandang song selection sa mga isinagawang banal na misa. Nais naman ng 20-percent ng respondents ng magandang

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Bloody Sunday assualt, kinondena ng Caritas Philippines

 3,114 total views

 3,114 total views Kinondena ng Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace/ Caritas Philippines ang “Bloody Sunday” assualt ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) laban sa mga civil rights sa apat na karatig lalawigan ng Metro Manila noong ika-7 ng Marso, 2021. Statement:

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

UST Public Affairs director, namatay sa heart attack

 3,129 total views

 3,129 total views Pumanaw na ang itinuturing na “best Ambassador” ng University of Sto.Tomas sa edad na 62-taong gulang. Sa isang Facebook post, inihayag ng U-S-T na si Associate Profesor Giovanna Villarama-Fontanilla ay naging mukha at boses ng unibersidad sa general public. Inihayag ng U-S-T na si Prof. Fontanilla, director ng Public Affairs Office ng UST

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Digital technology,lifeline ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting balita

 3,077 total views

 3,077 total views Itinuturing ng isang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines na naging platform ng Simbahang Katolika ang “digital technology” sa pagpapalaganap ng mabuting balita (Good news) sa mga mananampalataya sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic. Inihayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice-President ng C-B-C-P na sa kasalukuyan ay nata-transform ang digital

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mananampalataya, inaanyayahan sa online advent recollection

 3,113 total views

 3,113 total views Magsasagawa ang Diocese of Cubao ng Online Advent Recollection sa pangunguna ng Lay Formation Ministry at Social Communications Ministry ngayong ika-5 ng Disyembre alas otso ng umaga. Tema sa isasagawang recollection ang “Santatlo ng Cubao: Nagsusulong sa Pakikipag-isa, Misyon at Pagbabalik-loob tungo sa ika-500 taon ng Kristiyamismo sa Pilipinas.” Layunin nitong ihanda ang

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Caritas Philippines, umaapela sa mamamayan na makiisa sa Alay Kapwa Sunday special collection

 3,827 total views

 3,827 total views Kabayan mahal natin, tulong tayo! Umaapela ang CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa sambayanang Filipino na makiisa sa nararanasang pagdurusa at tulungan ang mga sinalanta ng magkasunod na bagyo sa bansa. Sa ipinadalang apela ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo, national director ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa Radio Veritas, ipinaalala nito na higit na kailangan ang sama-samang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top