7,095 total views
Nagpahayag ng suporta ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa muling pagsusuri ng pamahalaan sa Comprehensive Sexuality Education (CSE) sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga stakeholder.
Kinilala ng CEAP ang inisyatibo ni Education Secretary Sonny Angara ang pagkakaroon ng bukas na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor upang matiyak na ang patakaran ay malinaw, may batayan at hindi makapagdudulot ng maling impormasyon lalo’t higit sa mga kabataan.
“The Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) supports the ongoing government efforts to thoroughly review and consult with stakeholders on Comprehensive Sexuality Education (CSE). We echo the initiatives of Secretary Sonny Angara in advocating for this collaborative approach. We believe this process is crucial to ensure such policies are clear, well-grounded, and protected from inaccurate information.” Bahagi ng pahayag ng CEAP.
Ipinaliwanag ng CEAP na nakaugat ang misyon nito sa Katolikong prinsipyo na nakatuon sa pagtataguyod ng dignidad at values-based education para sa mga kabataan.
Pagbabahagi ng CEAP, matagal ng nakapaloob curriculum ng mga miyembrong paaralan ng asosasyon ang pagkakaloob ng age- and development-appropriate reproductive health education sa mga mag-aaral alinsunod na rin sa RA 10354 (Responsible Parenthood and Reproductive Health Act).
Iginiit ng CEAP na ang pagkakaroon ng one-size-fits-all o iisang curriculum sa bansa ay maaring hindi maging epektibo para sa lahat sapagkat kailangan din itong maiakma sa kultura, relihiyon, at institusyonal na konteksto ng bawat paaralan at mga mag-aaral.
Ayon sa CEAP, ang anumang programa sa edukasyon na may kaugnayan sa reproductive health ay dapat na magkaroon ng puwang upang maiangkop sa iba’t ibang mga prinsipyo na pinahahalagahan sa bawat lugar tulad na lamang ng relihiyon at tradisyon.
“Rooted in Catholic principles, CEAP is committed to promoting human dignity and values-based education. Our member schools, guided by their distinct missions, have long incorporated age- and development-appropriate reproductive health education into their curricula, delivered by properly trained teachers in accordance with RA 10354. However, a one-size-fits-all curriculum may not fully reflect the cultural, religious, and institutional contexts of all schools. Any reproductive health education program should allow flexibility, ensuring that schools can integrate faith-based perspectives while addressing students’ needs.” Dagdag pa ng CEAP.
Binigyang diin naman ng CEAP ang kahalagahan ng tungkuling ginagampanan ng mga magulang upang magsilbing unang guro na magtuturo sa mga kabataan ng sexuality and reproductive health bago pa ang iba’t ibang mga institusyon tulad ng mga paaralan.
Kabilang sa binigyang diin ng CEAP ang paghuhubog ng mga magulang sa mga kabataang may malalim na moralidad at pag-unawa sa pagbibigay galang sa pagkatao, dignidad at pangangatawan ng isang indibidwal.
Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2022 umabot sa 150,138 ang bilang ng mga sanggol na ipinanganak ng mga adolescent mothers o katumbas ng 10% mula sa kabuuang registered births sa nasabing taon.