5,205 total views
Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na ang paggunita ng World Day of the Poor tuwing Nobyembre ay natatanging pagkakataong ibinigay ng Diyos sa bawat isa upang makibahagi sa misyong ipalaganap ang ebanghelyo.
Binigyang diin ng obispo na ang tunay na pakikisalamuha sa mga dukha ay sa pakikinig, pakikibahagi, at pagtugon sa kanilang pangangailangan ay higit na napapalapit ang tao sa Panginoon.
“This day is not merely a date on the calendar, but a divine invitation to rediscover the Gospel through the eyes of the suffering, the forgotten, and the marginalized,” pahayag ni Bishop Santos.
Pinangunahan ng obispo ang pagdiriwang ng diyosesis para sa World Day of the Poor noong November 21, kung saan 400 scholar’s ng Patronato Diocesano de la Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje at kanilang mga magulang ang nagtipon para sa isang araw ng pagdarasal, pagtuturo, at paglilingkod.
Binigyang-diin ni Bishop Santos na ang mga dukha ang nasa puso ng Diyos.
“The poor are not a burden; they are a blessing. They are not on the margins of God’s heart; they are at its very center,” dagdag ng obispo.
Ayon sa kanya, ang pakikinig sa mga kuwento ng mahihirap ay pakikinig din sa tinig ng Ebanghelyo na isang paalala na ang pagkakawanggawa ay dapat humantong sa mas malalim na pakikipag-isa.
Dagdag ng obispo, “In a world that often measures worth by wealth, status, or success, the Church stands as a prophetic voice,” na may tungkuling ipagtanggol ang dangal ng mga nasa laylayan.
Hinimok ni Bishop Santos ang bawat pamilya, parokya, paaralan, at pamayanan na maglaan ng espasyo para sa makabuluhang pakikipagtagpo.
“I urge each of you—families, parishes, schools, and communities—to make space for encounters. Visit the lonely. Feed the hungry. Advocate for justice. And above all, allow your heart to be transformed by love that sees Christ in every face,” saad ni Bishop Santos.
Sa ilalim ng Patronato, ang 400 scholars mula elementarya hanggang kolehiyo ay tumatanggap ng tutoring tuwing Linggo mula ala-una hanggang alas-kuwatro, habang ang kanilang mga magulang ay dumadalo sa katesismo. Kasunod nito ay ang kanilang sama-samang pagdalo sa banal na misa at feeding program.
Ibinahagi rin ni Bishop Santos ang pagbuo ng Rondalla ng Patronato upang higit pang mahubog ang talento at disiplina ng mga kabataan.




