Nagaganap na climate crisis, ikinabahala ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 550 total reads

Ikinababahala ng isang lider ng Simbahang Katolika ang mga matitinding kalamidad na nararanasan ngayon sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Ayon kay Rev. Fr. Edu Gariguez, Executive Secretary ng NASSA/Caritas Philippines, ang malawakang pagbaha na naranasan ngayon sa Houston at kamakailan sa Hong Kong ay isang patunay ng pagdating ng mga mapaminsalang kalamidad na bunga ng pagkasira ng kalikasan.

Iginiit ni Father Gariguez na hindi dapat ipagwalang bahala ang kasalukuyang sitwasyon ng kalikasan at epekto ng nagbabagong klima dahil nakikita natin ang matinding pinsalang dala ng kalamidad nito.

Inihalimbawa ng Pari ang dokumentaryo ni dating US Vice President Al Gore kung saan napatunayan na ang mga kalamidad ay dulot ng pagkasira ng kalikasan.

“Kahapon kasama kami sa paglunsad ng movie ni Al Gore na inconvenient sequel. Bahagi ng documentary film ang pagpapatunay na ang mga nangyayaring extreme weather events ay bunga ng climate crisis. Totoo ito sa mga nangyayaring kalamidad ngayon. Ang nangyari sa Houston at Hong Kong ay bunga ng pagkasira ng kalikasan at klima” mensahe ni Fr. Gariguez sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, nanawagan ang Pari sa mga Pilipino na sama-samang tumugon sa panawagan ni Pope Francis na gunitain at ipinalangin ang ating kalikasan kasabay ng isasagawang Walk for Creation sa ika-1 ng Setyembre sa Luneta na pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

“Kasama ni Pope Francis tayo na nababagabag at nananawagan upang sagipin ang buhay, ito rin ang panawagan sa ‘Walk for Creation’ na gagawin sa Luneta ngayong September 1, 4am at iniimbitahan po namin kayo” ani 2012 Goldman Environmental Prize awardee.

Magugunitang una ng nanawagan ng pakikiisa ang kanyang kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para sa isasagawang Walk for Creation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 4,092 total reads

 4,092 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 43,682 total reads

 43,682 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 79,172 total reads

 79,172 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 305,442 total reads

 305,442 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 198,647 total reads

 198,647 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,074 total reads

 111,074 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top