2,314 total views
Inaanyayahan ng Catholic Faith Defender ang mga kasapi na makiisa sa 46th Annual National Convention.
Ayon kay CFD National President Ryan Mejillano, ito ang pagkakataong magkaisa ang mananampalatayang nagtatanggol sa simbahang katolika.
“We pray that NATCON 2023 present an opportunity for all CFDs to demonstrate Christian unity and love,” bahagi ng pahayag ni Mejillano.
Aniya ang pagdalo sa pagtitipon ay pagpapatibay sa CFD Core Values na ‘ONE CFD’.
Isasagawa ang CFD NATCON 2023 sa June 10 hanggang 11 sa Naval Biliran kung saan bukas ito maging sa mga dating kasapi ng CFD.
Batid ng grupo ang mga kahinaan at kakulangan bilang tao subalit mahalagang isulong ang kapatirang nakaugat kay Kristo.
“Despite our failings, God is faithful and forgiving and continues to call us to unity. It is the will of God that His people, reconciled in the love of Christ through transforming power of the Holy Spirit, should live together in unity and peace,” pahayag ng grupo.
Batay sa kasaysayan 1938 nang simulan ni Fr. Undoy Reynes sa Cebu City ang pakikipagtalakayan at pagpapaliwanag sa doktrina ng simbahan sa mga indibidwal mula sa iba pananampalataya na kalaunan ay sinamahan ni Peter Cabaluna na may malalim at malawak na pag-aaral sa bibliya.
Lumipas ang mga taon nagpapatuloy ang mga pari at layko sa Cebu sa pagtatanggol sa pananampalatayang katoliko laban sa ibang mga relihiyong duda sa doktrina ng simbahan.
Sa kasalukuyan patuloy ang paninindigan ng CFD sa mga turo ng simbahan at ipinalalaganap sa buong pamayanan sa pagtutulungan ng mga pari at layko.
“It is our sincere prayer and plea that we, Catholic Faith Defenders of the Philippines, live with such love and unity in all things that it testifies to the World that we truly belong to Jesus,” giit ni Mejillano.
Ang CFD Philippines ay kasapi ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa ilalim ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity.