1,227 total views
Ito ang panawagan sa pamahalaan ng AltMobility at Move as One Coalition (MOAC) sa paggunita ng World Bicycle Day tuwing June 03.
Umaasa si Ira Cruz – Executive Director ng AltMobility at miyembro ng MOAC na matatalakay ang kaligtasan ng mga nagbibisikleta sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Upang matiyak ang mga nagbibisikleta, iminungkahi ni Cruz ang paglikha ng mga batas na mangangalaga sa kanilang kapakanan at gumawa ng mga ligtas na kalsada o imprastraktura para sa lahat.
“Filipinos, especially the majority and the most vulnerable, have as much right on roads as motor vehicles and it continues to be government’s responsibility to ensure that streets are safe for all.” bahagi ng mensaheng ipinadala ng Radio Veritas ni Cruz.
Sa programang Baranggay Simbayanan, tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Active Transport Program Management Office – Program Manager Eldon Joshua Dionisio ang pangunguna ng pamahalaan sa pagsusulong ng adbokasiya sa pagbibiskleta.
Ito ay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga partnered agencies kasama ang siyam na Regional Local Government Units (LGU) upang magtayo ng mga bike lanes at imprastraktura ngayong 2023.
“At the moment what we have po is the Philippine Development Plan of 2023 to 2028 wherein it occurs the highest priority for cyclists and pedestrians, what we lack at the moment po is an actual law parang mandating talaga the LGUs to provide a proper infrastracture for cyclist and pedestrians but I think there are bills both the senate and congress for that particular intentions.” bahagi ng panayam ng Radio Veritas kay Dionisio.
Taon-taon ay ginugunita ng United Nations ang World Bike Day upang isulong ang pagbibisekleta.
Noong 2022, naitala ng Metro Manila Development Authority sa 2,397 ang kaso ng mga bike related accidents sa National Capital Region.