Kampanya laban sa paninigarilyo, paiigtingin ni Senator Cayetano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,829 total reads

Tiniyak ni Senator Pia Cayetano ang pagpapaigting sa adbokasiyang magsusulong sa kalusugan ng bawat Pilipino.

Ito ang mensahe ng mambabatas makaraang gawaran ng World No Tobacco Day (WNTD) Award ng World Health Organization kamakailan.

Ayon kay Cayetano isang karangalan ang pagkilala subalit batid ang kaakibat na tungkuling ipagpatuloy ang health advocacy sa kapakinabangan ng mga Pilipino.

“It’s an honor, but I consider it a happy burden also that I will carry, as I continue to speak up about what we need to do, what we need to ban, and what we need to regulate, in any opportunity that I get.” bahagi ng pahayag ni Cayetano.

Inialay ng mambabatas ang natanggap na parangal sa kanyang mga magulang na sina late Senator Rene Cayetano at Sandra Cayetano na naghubog at nagturo sa kahalagahan ng malusog na pamumuhay.

Kilala ang mambabatas na nagsulong ng Sin Tax Reform Act at Graphic Health Warning Law upang paigtingin ang kampanya laban sa paninigarilyo na isa sa pangunahing sanhi ng malubhang karamdaman.

Pinasalamatan ni Cayetano ang mga grupong katuwang sa pagsusulong ng adbokasiya kabilang na sina Dr. Maricar Limpin, ang director ng Action on Smoking and Health (ASH) Philippines; Dr. Yul Dorotheo, executive director ng Southeast Asia Tobacco Control Alliance (SEATCA); Dr. Antonio Dans, professor ng University of Philippines College of Medicine; at ang policy think-tank, Action for Economic Reforms.

Ayon kay WHO Representative Dr. Rui Paulo de Jesus ng Timor Leste ang pagkilala ay bunsod ng malaking ambag ni Cayetano sa tobacco control sa Pilipinas.

Sa datos ng Lung Center of the Philippines, 321 Pilipino ang namamatay araw-araw dahil sa tobacco-related diseases habang walong milyon naman kada taon sa buong mundo kung saan mahigit sa pitong milyon dito ang direktang gumagamit ng tobacco at isang milyon ang second-hand smoke.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 16,159 total reads

 16,159 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 79,577 total reads

 79,577 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 116,365 total reads

 116,365 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 147,042 total reads

 147,042 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 196,740 total reads

 196,740 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 258,339 total reads

 258,339 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top