Naibang selebrasyon ng Escalante massacre, pinuna ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 566 total reads

Ibinahagi ng Obispo ng Diocese of San Carlos, Negros Occidental ang naging pagbabago sa paraan ng pagdiriwang ng lungsod sa Escalante massacre na naganap 34 na taon na ang nakakalipas sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Ayon kay Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, sa unang pagkakataon sa loob ng 34 na taon ay nabago ang paraan ng paggunita sa malagim na insidente sa lalawigan.

Ang pagdiriwang ay pinangasiwaan ng lokal na pamahalaan at militar sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Negros Peace Summit mula sa nakasanayang pagsasadula sa malagim na insidente.

Pagbabahagi ng Obispo, bukod sa pagbabahagi ng mga tagapagsalita sa kahalagahan ng kapayapaan at kung papaano ito makakamit ay nagkaroon rin ng pagsuko ng ilang mga armadong indibidwal na lumagda ng isang kasunduan.

“Ang nangyari ang LGU na dati nagko-co-sponsor din yan ng commemoration together with the church sector saka yung mga family ng victims ng massacre wherein they will have mass and then re-enactment at yung mga other activities so parang find ways na it should not happen again parang ganun, ngayon in its place nag-organize ang LGUs together with security forces to conduct a North Negros Peace Summit and then nagkaroon ng mga surrenderees supposed to be, nag-signing sila so parang nag-iba yung focus…” pahayag ni Bishop Alminaza sa panayam sa Radyo Veritas.

Bagamat maganda at suportado ng Simbahan ang layunin upang maisulong ang kapayapaan, pinuna ni Bishop Alminaza ang sapilitang pagsuko dahil sa takot para sa kanilang buhay at pamilya.

“For the first time nag-iba ang celebration ng Escalante Massacre, naging Negros Peace Summit na which was taken over by the military and the ano (local government) not that we have something against that in a way na maganda naman yun merong mga nagso-surrender daw pero they not really sure kasi yung iba they say na napo-force lang sila mag-sign-up kasi they have no other alternative kasi mari-red tag sila…” Dagdag pa ni Bishop Gerardo Alminaza.

Ang Escalante Massacre ay naganap noong Setyembre 20, 1985 kung saan pinagbabaril ng mga armadong guwardiya ang mga demonstrador sa bayan ng Escalante, Negros Occidental na isa sa mga pinakamadugong insidenteng naitala sa ilalim ng diktaturya ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Sa tala, 20 ang namatay at higit 20 naman ang nasugatan sa insidente.

Sa loob ng nakalipas na 33 taon ay ginugunita sa lalawigan ang naturang insidente sa pamamagitan ng pagsasadula sa malagim na pangyayari mula sa pagbomba ng tubig mula sa fire truck at paghahagis ng kunwari’y tear gas sa mga kalahok sa pagsasadula.

Giit ni Bishop Alminaza, napapanahon na upang magkaroon ng ganap na kapayapaan sa lalawigan at hindi na dapat hayaan na magpatuloy ang ganitong uri ng karahasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 24,254 total reads

 24,254 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 109,639 total reads

 109,639 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 147,012 total reads

 147,012 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 178,271 total reads

 178,271 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 250,054 total reads

 250,054 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 33,217 total reads

 33,217 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top