Naipong labi ng NBP inmates, pinaimbestigahan ng TFDP

 708 total views

Pinapaimbestigahan at pinapaayos ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) ang problema sa sistema ng National Bilibid Prison na dahilan sa pagdami ng naipong labi ng mga bilanggo sa isang punerarya sa Muntinlupa City.

Hindi napigilan ni TFDP Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm, at executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) na maging emosyunal ng mabalitaan ang pagkakatagpo sa labi ng mahigit 170-bilanggo ng NBP.

Ipinaliwanag ng Pari na ang bawat isa sa mga bilanggo ay may pangalan, pamilya at may pagkakakilanlan na nararapat bigyang halaga ang buhay hanggang sa kamatayan.

Iginiit ni Fr. Buenafe na may mali sa kasalukuyang sistema ng National Bilibid Prison upang umabot sa mahigit 170 ang naipong labi ng mga bilanggo sa punerarya.

“Naiyak ako dahil they may be strangers to me but they are persons, they are people, they have names, they have families, hindi ko alam kung ano ang system diyan sa Bilibid kung bakit dumami ng ganun, so napabayaan something is wrong in the system na mag-store ka ng cadavers. Siguro walang nag-claim, ang sabi walang nagclaim na mga pamilya o hindi na makita ang address pero is it the way we treat our beloved dead, the dead?” pahayag ni Rev. Fr. Buenafe sa Radio Veritas.
Binigyan diin ng Pari na bukod sa pagsasaayos sa sistema ng N-B-P ay dapat ding maimbistigahan ang dahilan ng pagkamatay ng mga bilanggo at ilibing ang lahat ng may dangal.

Ayon kay Fr. Buenafe, mahalagang maunawaan ng lahat na ang patuloy na pagbibigay dangal sa mga yumao ay isang paraan ng pakikipag-isa sa mga namayapa na pagsasabuhay sa tinatawag na communion of saints.

“Sana i-investigate ito para ma-correct, maayos at kung ano man kung talagang ma-investigate ano ang cause ng death at maireport and then bigyan ng ilibing na may dangal. Alam mo syempre mga Katoliko tayo, I believe in the isa yan sa pino-profess natin ‘the communion of saints, the Holy person, the Holy people and the souls those who die and tayo the living’.” Dagdag pa ni Fr. Buenafe.

Natuklasan ang labi ng mga bilanggo sa Eastern Funeral Services sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon at autopsy ni Dr. Raquel Fortun sa mga pumanaw na NBP inmates bunsod ng pagpatay sa mamamahayag na si Percival Mabasa, na mas kilala bilang Percy Lapid.

Naunang nanawagan ang CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na bigyan ng disenteng libing ang mga nasawing bilanggo ng NBP.

Read:

https://www.veritasph.net/bigyan-ng-dignidad-ang-mga-namatay-na-nbp-inmates/

 



truthshop
Shadow
Spiritual Frontliner banner

BE OUR PARTNERS!

ads
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow


Subscribe Now to Received Latest News and Blogs

Subscribe to us and receive latest News & Updates in your inbox