Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 373 total views

Ang Mabuting Balita, 15 Oktubre 2023 – Mateo 22: 1-14

NAPAKALAKING BIYAYA

Noong panahong iyon, muling nagsalita si Jesus sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan sa pamamagitan ng talinghaga. Sinabi niya, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: naghandog ng isang piging ang isang hari sa kasal ng kanyang anak na lalaki. Sinugo niya ang kanyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan ngunit ayaw nilang dumalo. Muli siyang nagsugo ng ibang mga alipin at kanyang pinagbilinan, ‘Sabihin ninyo sa mga inanyayahan na naihanda ko na ang aking piging: napatay na ang aking mga baka at mga pinatabang guya, at handa na ang lahat ng bagay. Halina kayo sa piging!’ Ngunit hindi ito pinansin ng mga inanyayahan. Humayo sila sa kani-kanilang lakad; ang isa’y sa kanyang bukid at sa kanyang pangangalakal naman ang isa. Sinunggaban naman ng iba ang mga alipin, hinamak at pinatay. Galit na galit ang hari. Pinaparoon niya ang kanyang mga kawal, ipinapuksa ang mga mamamatay-taong iyon at ipinasunog ang kanilang lungsod. Sinabi niya sa kanyang mga alipin, ‘Nakahanda na ang piging, ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan. Kaya’t pumunta kayo sa mga lansangang matao, at inyong anyayahan sa kasalan ang lahat ng makita ninyo.’ Lumabas nga sa mga pangunahing lansangan ang mga alipin at isinama ang lahat ng natagpuan, masama’t mabuti, anupa’t napuno ng mga panauhin ang bulwagang pangkasalan.

“Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, at nakita niya roon ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan. ‘Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakadamit pangkasalan?’ tanong niya. Hindi nakaimik ang tao. Kaya’t sinabi ng hari sa mga katulong, ‘Gapusin ninyo ang kanyang kamay at paa at itapon siya sa kadiliman sa labas. Doo’y mananangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.’ Sapagkat marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang nahihirang.”

————

Isipin natin ang piging na inihanda ng hari para sa kasal ng kanyang anak. Isipin natin ang mga paghahanda na ginawa para dito, pati na ang pagpapadala ng mga imbitasyon sa mga taong nais ng hari at ng anak na imbitahin. Isipin natin ang lahat ng ginastos para dito. Marahil, labis-labis ito sapagkat ito ay napakahalaga at pambihirang okasyon dahil bihirang ikasal ang anak ng dalawang beses. Iisipin natin na napakalaking pribilehiyo o karangalan ang maimbita sa ganitong okasyon (tulad ng nangyayari sa U.K.), ngunit sa talinhaga ni Jesus, hindi pinahalagahan ng mga kinumbida ang imbitasyon sapagkat mas mahalaga dito ang mga personal na bagay na nais nilang gawin. Ito ay isang napakalaking insulto sa hari, kaya’t ganoon na lang ang kanyang naging reaksyon. Ngunit, sapagkat ang piging ay handa na, naisip niyang kumbidahin kahit sinong makumbida ng kanyang mga alipin, at pinuno nila ang bulwagang pangkasalan. Kaya lang, napansin niya ang isa sa kanila ay hindi nakasuot ng damit pangkasalan, at ito ay ipinatapon niya sa kadiliman sa labas.

Kung matalino at sensitibo ang mga punong saserdote at mga matatanda ng bayan, natanto sana nila na sila ang itinutukoy ni Jesus sa kanyang talinghaga. Dapat sana, nadama nila na sila ay nabigyan ng natatanging karapatan at naparangalan bilang unang tatanggap ng mapagmahal na awa ng Diyos. Ngunit, ang kanilang kapalaluan at matigas na puso ay naging hadlang. Sa Lukas 19: 41-44, tinangisan ni Jesus ang Jerusalem at sinabi, “Kung nalalaman mo lamang sa araw na ito kung ano ang makakapagdulot sa iyo ng kapayapaan! Ngunit ito’y lingid ngayon sa iyong paningin. Darating ang mga araw na magkakampo sa paligid mo ang iyong mga kaaway, palilibutan ka nila at gigipitin sa kabi-kabila. Wawasakin ka nila at lilipulin ang lahat ng iyong mamamayan. Wala silang iiwanang magkapatong na bato sapagkat hindi mo pinansin ang pagdalaw sa iyo ng Diyos.”

Tayong mga Kristiyano, ay maihahambing sa mga taong wala sa listahan ng mga kinumbida ng hari at nanggaling kung saan-saan. NAPAKALAKING BIYAYA ang matawag kahit na pangalawang pinagpilian, kaya’t hindi natin ito maaaring bale-walain. Hindi maaaring bawasan ang ating pakikilahok sa piging sapagkat tayo ay pangalawang pinagpilian. Sa paghahari ng Diyos, inaasahang makilahok tayo ng tulad sa inaasahang pakikilahok ng mga unang inimbita.

Panginoong Jesus, tulungan mo kaming mapabilang sa mga hinirang!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,661 total views

 6,661 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,645 total views

 24,645 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,582 total views

 44,582 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,771 total views

 61,771 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 75,146 total views

 75,146 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,682 total views

 16,682 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

28-30 IN CONTROL

 2,331 total views

 2,331 total views Gospel Reading for July 17, 2025 – Matthew 11: 28-30 IN CONTROL Jesus said: “Come to me, all you who labor and are

Read More »

OVERLEARNED

 2,331 total views

 2,331 total views Gospel Reading for July 16, 2025 – Matthew 11: 25-27 OVERLEARNED At that time Jesus exclaimed: “I give praise to you, Father, Lord

Read More »

TOO LATE

 4,028 total views

 4,028 total views Gospel Reading for July 15, 2025 – Matthew 11: 20-24 TOO LATE Jesus began to reproach the towns where most of his mighty

Read More »

TEMPORARY

 4,697 total views

 4,697 total views Gospel Reading for July 14, 2025 – Matthew 10: 34 – 11: 1 TEMPORARY Jesus said to his Apostles: “Do not think that

Read More »

GLORIOUS SELF

 4,007 total views

 4,007 total views Gospel Reading for July 13, 2025 – Luke 10: 25-37 GLORIOUS SELF There was a scholar of the law who stood up to

Read More »

STEADFAST

 2,757 total views

 2,757 total views Gospel Reading for July 12, 2025 – Matthew 10: 24-33 STEADFAST Jesus said to his Apostles: “No disciple is above his teacher, no

Read More »

POWER OF THE HOLY SPIRIT

 3,253 total views

 3,253 total views Gospel Reading for July 11, 2025 – Matthew 10: 16-23 POWER OF THE HOLY SPIRIT Jesus said to his Apostles: “Behold, I am

Read More »

TRUE WITNESSES

 4,914 total views

 4,914 total views Gospel Reading for July 10, 2025 – Matthew 10: 7-15 TRUE WITNESSES Jesus said to his Apostles: “As you go, make this proclamation:

Read More »

TRULY PRACTICE

 5,316 total views

 5,316 total views Gospel Reading for July 09, 2025 – Matthew 10: 1-7 TRULY PRACTICE Jesus summoned his Twelve disciples and gave them authority over unclean

Read More »

NEVER GIVE UP AND JUST FOCUS

 6,596 total views

 6,596 total views Gospel Reading for July 08, 2025 – Matthew 9: 32-38 NEVER GIVE UP AND JUST FOCUS A demoniac who could not speak was

Read More »
Scroll to Top