844 total views

Mga Kapanalig, habang nananalasa sa maraming lugar sa ating bansa ang Bagyong Paeng noong katapusan ng Oktubre, may mga nagtatanong, lalo na sa social media: nasaan ang pangulo?

Bago pa man tumama sa kalupaan ang bagyo, nagdala na ito ng matinding pinsala sa iba’t ibang lugar sa Visayas at Mindanao na hindi naman isinailalim sa alinmang typhoon warning signal. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, umabot na sa 112 ang mga naitalang namatay. Mahigit kalahati sa mga biktima ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Namatay sila sa rumasagasang baha at pagguho ng lupa. May ilang hindi pa rin natatagpuan. Sa lawak ng pinsalang iniwan ng Bagyong Paeng, inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (o NDRRMC) na isailalim ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang bansa sa national state of calamity. Hindi ito sinang-ayunan ng pangulo.

Pero nasaan nga ba ang ating mga lider—lalo na ang pangulo—sa kalagitnaan ng kalamidad?

May mga haka-haka noong wala sa Pilipinas ang presidente. May mga nagsasabing siya ay nasa Japan, Singapore, o Australia. May mga biro pa ngang naunahan niya ang bagyong lumabas ng Philippine Area of Responsibility. Sa isang briefing ng NDRRMC, kausap ng pangulo ang mga pinuno ng iba’t ibang ahensya sa pamamagitan ng Zoom. Kung nasa Pilipinas siya, siguro naman ay madali sa kanyang tumungo sa NDRRMC katulad ng ginawa ng mga miyembro ng kanyang gabinete. At upang pabulaanan ang mga tsismis na nasa ibang bansa ang presidente, naglabas ang opisina niya ng mga larawan kung saan makikitang kumakain si PBBM sa isang karinderya sa Ilocos Norte.

Ang mas mahalagang tanong, bakit ba natin dapat hanapin ang presidente?

Bilang ama ng bansa, tungkulin ng pangulong ipakitang handa ang pamahalaan sa anumang kakaharapin ng bayan sa gitna ng bagyo. Dapat niyang tiyakin sa ating gagawin at ginagawa ng gobyerno ang lahat upang paghandaan ang bagyo at na kikilos ito agad-agad upang tugunan ang pangangailangan ng mga maapektuhan. On top of the situation, ‘ika nga. Hindi niya mapipigilan ang pagtama ng bagyo—hindi siya superhero at hindi siya Diyos—ngunit malaking bagay ang pagtiyak na nariyan ang gobyerno upang kumalma tayo sa ating pagkaligaglig.

Gaya ng inaasahan, ipinagtanggol si PBBM ng kanyang mga loyalists at supporters. Hindi raw nila hinahanap ang pangulo dahil sila mismo ang kusang tumutulong sa mga nasalanta. Sa halip na magreklamo, sila na raw ang naghahanap ng paraan upang saklolohan ang mga nasalanta. Walang masama sa pagbabayanihan; isa nga itong mabuting katangian ng mga Pilipino. Ngunit kung ganito naman pala at walang inaasahan mula sa ating mga lider, para saan pa at mayroon tayong gobyerno? Bakit pa tayo nag-e-eleksyon at pumipili ng mga lider na hindi naman mahahagilap sa oras ng pangangailangan?

Sa Catholic social teaching na Rerum Novarum, sinasabing ang mga namumuno ay dapat na laging pinangangalagaan ang bayan at ang lahat ng bumubuo nito. Ang pagtiyak sa kapakanan ng taumbayan ang pangunahing dahilan kung bakit may gobyerno. Sa panahon ng kalamidad, hindi maaaring umasa ang mga mamamayan sa pagkakawanggawa ng isa’t isa o sa tulong ng mga pribadong indibidwal at organisasyon. Katulad ng ipinapaalala sa mga apostol sa Mga Gawa 20:28, dapat na ingatan ang kawang inilagay sa kanilang pangangasiwa; angkop na angkop ang mga salitang ito sa mga lider ng bayan.

Mga Kapanalig, hindi pang-iintriga at hindi paninira ang paghahanap sa ating mga lider sa panahon ng kagipitan at sa gitna ng kalamidad. Tungkulin natin iyon bilang mga mamamayang naglukluok sa mga tinatawag nating lingkod-bayan. At tungkulin naman ng gobyernong maging tapat at bukás sa taumbayan lalo na’t napakasimple lang naman ng tanong na “nasaan ang pangulo?”

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 6,219 total views

 6,219 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 14,264 total views

 14,264 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 19,344 total views

 19,344 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 25,051 total views

 25,051 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 33,839 total views

 33,839 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 6,220 total views

 6,220 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 14,265 total views

 14,265 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 19,345 total views

 19,345 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 25,052 total views

 25,052 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 33,840 total views

 33,840 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,166 total views

 40,166 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,480 total views

 54,480 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,170 total views

 58,170 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 56,773 total views

 56,773 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 66,760 total views

 66,760 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 70,728 total views

 70,728 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 81,615 total views

 81,615 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,054 total views

 94,054 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 104,812 total views

 104,812 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,065 total views

 52,065 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top