National Bible Quiz, nagpalago sa pananampalataya ng mga kabataan (Updated)

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 579 total reads

Kapansin-pansin ang paglago ng pananampalataya ng mga kabataang kalahok ng St. Paul National Bible Quiz.

Ayon kay Fr. John Klen Malificiar, SSP –Project Coordinator ng SPBQ, matapos ang walong taong pagdaraos ng pagtitipon ay marami nang kabataan ang nabiyayaan ng kagalakan mula sa Panginoon na idinulot ng pagbabasa ng bibliya.

Kasabay nito, nasaksihan ng pari ang paglago ng pananampalataya ng mga kabataang taunang lumalahok sa SPNBQ, kaya naniniwala si Fr. Malificiar na magandang instrumento ang SPNBQ upang maipakilala ang Panginoon sa bagong henerasyon.

“Itong St. Paul National Bible Quiz, ito yung naging instrumento para ang mga kabataan lalo pa nilang makikilala ang Diyos at sa pamamagitan non, ito ay naipapamahagi nila sa ibang tao… Yung saya, galak, tuwa na dala nila after the contest, hopefully that will inspire them to persevere to continue yung magandang nasimulan, pagbabasa, pag-aaral ng bibliya,” pahayag ng Pari sa Radyo Veritas.

Samantala, ipinapakita rin sa SPNBQ na ang pag-aaral ng bibliya ay hindi lamang para sa mga matatanda.

Sinabi ni Fr. Malificiar na ang pagbabasa ng bibliya ay nakaakma sa anumang henerasyon o edad at ipinapakita sa S-PNBQ na maging ang mga millenials ay may potensyal na palalimin ang kanilang kaalaman sa bibliya.

Dahil dito umaasa ang pari, na magpapatuloy at maibabahagi ng mga kalahok sa kanilang pamilya at mga kaibigan ang biyayang dala ng pag-aaral sa mga turo ng Diyos at sa buhay ni Hesukristo.

“Our prayer sana itong bible quiz na ito ay maging daan para sa mga bata na lalo pa nilang pahalagahan ang buhay at lalo silang maging evangelizers of joy and they will also be an instrument of unity kung saan man sila [naroon]. They will also be our collaborators in spreading the faith, for other people to also know that God is a joyful God, a God who is mercy a God who is Love,” dagdag pa ni Fr. Malificiar.

Ngayon ang ikawalong taon ng St. Paul National Bible Quiz at sa darating na ika-16 ng Septyembre gaganapin ang Battle of the Champions sa SMX Convention Center sa SM Mall of Asia, Pasay City.

Dadaluhan ito ng 13 kupunan na itinuturing na best bible quizers mula sa 542 grupo na sumali sa Bible quiz ngayong taon.

Para sa mga karagdagang detalye kaugnay sa taunang St. Paul National Bible Quiz maaaring bisitahin ang website na www.stpauls.ph

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 16,120 total reads

 16,120 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 17,003 total reads

 17,003 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 33,577 total reads

 33,577 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 70,954 total reads

 70,954 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 102,223 total reads

 102,223 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 177,325 total reads

 177,325 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 269,911 total reads

 269,911 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 376,017 total reads

 376,017 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top