National Day of Prayer and Public Repentance, isasagawa ng Diocese of Virac

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,570 total views

Nanawagan si Virac Bishop Luisito Occiano sa lahat ng mga pari, relihiyoso, at layko sa Diyosesis ng Virac na makiisa sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa National Day of Prayer and Public Repentance.

Ito ang bahagi ng inilabas na sirkular ni Bishop Occiano na tugon sa panawagan ng CBCP noong Oktubre 7, 2025 kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ay ipagdiriwang ng Diyosesis ng Virac ang National Day of Prayer and Public Repentance sa Linggo, ika-12 ng Oktubre 2025, bilang tanda ng pagkakaisa sa panalangin at pagsisisi para sa kagalingan ng bansa.

Ayon sa Obispo, inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya sa nasabing araw na makiisa sa pananalangin at paghingi ng awa ng Panginoon para sa pagkakaroon ng katotohanan, katarungan, at kapayapaan sa bansa.

“The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) has called on all dioceses to observe a National Day of Prayer and Public Repentance last October 7. As one Diocese, I enjoin everyone to announce to our faithful our solidarity with our cry for healing in our country that will happen on Sunday, October 12, 2025. This day invites all the faithful to seek God’s mercy for our nation and renew our commitment to truth, justice, and peace,” Bahagi ng sirkular ni Bishop Occiano.

Bilang konkretong tugon, hinikayat ng Obispo ang lahat ng parokya, mission station, relihiyosong komunidad, at mga Katoliko institusyon sa buong Diyosesis na makibahagi sa gawain sa pamamagitan ng Paglalagay ng mga streamer o banner sa harap ng mga simbahan at institusyon na may mensaheng: “National Day of Prayer and Public Repentance – Lord, Heal Our Land (October 12, 2025) NO TO CORRUPTION.”; Pagsasagawa ng Holy Hour para sa pagsisisi at pagbabayad-puri, bago o pagkatapos ng pangunahing Misa tuwing Linggo; at Pagdarasal ng Prayer for National Repentance bilang bahagi ng Prayer of the Faithful o pagkatapos ng Komunyon sa lahat ng Misa hanggang sa Solemnity of Christ the King.

Paliwanag ni Bishop Occiano, ang pagkakaisa ng Simbahan sa pananalangin ay mahalagang hakbang sa paghiling ng awa ng Diyos para sa sambayanan at sa pagbabagong inaasam ng bayan.

“Let us unite our hearts as one Church, humbly seeking God’s forgiveness and mercy for ourselves and our nation. May our collective prayer bring renewal and hope to our land,” Dagdag pa ni Bishop Occiano.

Layunin ng panawagan ng CBCP na pukawin ang pagkakaisa ng Simbahang Katolika at mga Katoliko sa buong bansa upang muling pagtibayin ang pananampalataya ng mga Pilipino sa Diyos ng katotohanan at habag sa gitna ng mga suliraning kinahaharap ng pamahalaan, partikular na ang katiwalian at kawalan ng katarungan.

Simula sa ika-7 ng Oktubre, 2025 ay ipinag-utos ng CBCP na dasalin sa mga Simbahan ang natatanging panalangin na may titulong “A National Cry for Mercy and Renewal,” na ipagpapatuloy tuwing araw ng Linggo hanggang sa Kapistahan ng Kristong Hari sa Nobyembre 23, 2025.

Pagbabahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, ang gawaing ay bahagi ng patuloy na paglalakbay ng Simbahan sa diwa ng synodality, na sama-samang paglalakbay ng bayan ng Diyos, habang patuloy na ginagabayan ng Espiritu Santo upang magkaroon ng patuloy na pag-asa ang bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 37,304 total views

 37,304 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 60,456 total views

 60,456 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 130,570 total views

 130,570 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 205,184 total views

 205,184 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 282,526 total views

 282,526 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 5,938 total views

 5,938 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top