Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Negosyante sa agrikultura

SHARE THE TRUTH

 33,201 total views

Mga Kapanalig, ilang beses na nating tinalakay sa ilang editoryal ang tungkol sa mga mangingisda at magsasaka bilang pinakamahirap na mga sektor sa ating bansa. 

Sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2021, nasa 30.6% ng mga mangingisdang Pilipino ang mahirap. Kung bibilangin, nasa 350,000 na mangingisda ang mahirap. Hindi nalalayo ang mga magsasakang nasa 30% ang tinatawag na poverty incidence o ang bahagdan ng mga kumikita ng mas mababa sa halagang itinuturing na sapat upang hindi matawag na mahirap. Katumbas ito ng 2.4 milyong magsasaka. Ang mga mangingisda at mga magsasaka ang laging nasa unahan ng listahan ng mahihirap na sektor sa ating bansa mula pa noong 2015. 

Magandang alamin kung ano ang plano para sa mga mangingisda at magsasaka ng bagong talagáng kalihim ng Department of Agriculture (o DA) na si Secretary Francisco Laurel Tiu, Jr. Pagpasok ng Nobyembre, nanumpa bilang kalihim ng DA si Secretary Laurel matapos ang mahigit isang taóng pangangasiwa sa kagawaran ni Pangulong BBM. Ipinagmalaki ng pangulong sa wakas ay nakahanap na siya ng isang taong nakauunawa raw sa mga problema sa sektor ng agrikultura. 

Isang negosyante si Secretary Laurel. Pamilya niya ang may-ari ng isa sa malalaking fishing companies sa Pilipinas. Ang mga produkto nilang fresh, frozen, at processed seafood ay ine-export sa ibang bansa. Lumawak pa ang kanilang negosyo ng pasukin nila ang aquaculture, canning, food manufacturing and processing, food importation, cold storage, at shipyard operations. Maging sa real estate development at power generation ay naroon din ang negosyo ng pamilya ni Secretary Laurel. Kung iniisip ng iba na may conflict of interest sa kanyang pagkakatalaga bilang kalihim ng DA, sinabi niyang nag-divest na siya sa mga negosyong ito.

Sa lawak ng negosyo ng bagong DA secretary, hindi nakapagtatakang isa siya sa mga may malalaking kontribusyon sa kampanya noon ni PBBM. Kaya para sa mga grupong kumakatawan sa mga mangingisda at magsasaka, “bayad-utang” ang ginawang ito ni PBBM. Ang hamon ngayon kay Secretary Laurel ay ang patunayang karapat-dapat siya sa posisyong ipinagkatiwala sa kanya. Patunayan niyang higit pa siya sa campaign donor na pinagkakautangan ng loob ng presidente.

Sa ilalim ng kanyang pamamahala, kaya ba ng DA na pigilan ang mga mapanirang proyektong katulad ng reklamasyon na sumisira sa pinangingisdaan ng mga kababayan natin? Ano ang gagawin ng DA upang bumalik ang likas-yaman sa mga dagat, lalo na ang mga sinira na ng mga pribadong negosyo at maging ng mga dayuhang mangingisda? Anu-anong suporta ang ipararating ng kagawaran sa mga mangingisda upang lumago ang kanilang ani at hindi sila malubog sa utang?

Paano hihikayatin ng DA ang mga kababayan natin, lalo na ang kabataan, na huwag iwan ang kanilang mga sakahan? Pipigilan ba ni Secretary Laurel ang mga negosyong kumakamkam sa mga lupang maaari sanang pagsakahan ngunit ginagawang subdivision? Anong tulong ang ibibigay sa mga magsasakang binabarat ang kanilang mga ani? Mahuhuli ba talaga ng gobyerno ang mga nananamantala sa pagtaas ng presyo ng mga gulay at bigas? 

Malaki ang inaasahan sa mga nasa pamahalaan. Sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, sinabi ni Pope John XXIII na ang pinakamahalagang gawain na itinalaga sa mga opisyal ng pamahalaan ay ang pagkilala, paggalang, at pagtataguyod ng mga karapatan at tungkulin ng mga mamamayan. Sa kaso ng mga naatasang tutukan ang sektor ng agrikultura, nakaatang sa kanila ang gawaing iangat din ang buhay ng mga mangingisda at magsasakang kabilang nga sa pinakamahihirap sa atin. Magamit kaya ni Secretary Laurel ang kanyang pagiging negosyante upang magawa ito?

Mga Kapanalig, maging paalala sana kay Secretary Laurel—at sa iba pang nasa gobyerno—ang nasasaad sa Galacia 2:10: “Huwag kakaligtaan ang mga dukha.”

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 20,059 total views

 20,059 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 27,540 total views

 27,540 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 40,680 total views

 40,680 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 46,653 total views

 46,653 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 52,407 total views

 52,407 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 20,060 total views

 20,060 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 27,541 total views

 27,541 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 40,681 total views

 40,681 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 46,654 total views

 46,654 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 52,408 total views

 52,408 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,555 total views

 41,555 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,639 total views

 42,639 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 38,020 total views

 38,020 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 50,024 total views

 50,024 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 58,066 total views

 58,066 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,623 total views

 49,623 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 48,048 total views

 48,048 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,834 total views

 49,834 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 46,759 total views

 46,759 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 61,073 total views

 61,073 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top