Patuloy na ipaglaban ang katarungan at karapatang pantao, giit ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,516 total views

Pinuri ng development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang desisyon ng Muntinlupa Regional Trial Court hinggil sa pagpapalaya kay dating Senador Leila de Lima.

Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, maituturing na tagumpay sa pananaig ng batas ang naging desisyon kay de Lima na halos pitong taong nakulong dahil sa maling paratang hinggil sa ilegal na droga.

Sinabi ni Bishop Bagaforo na ito’y nagsisilbi ring paalala upang patuloy na ipaglaban ang katarungan sa bansa lalo na sa libo-libong mahihirap na biktima ng kawalang katarungan.

“Senator De Lima’s release is a step in the right direction. But we must do more to ensure that justice is served for all Filipinos, regardless of their social status or political affiliation,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Nanawagan din ang obispo sa pamahalaan na siyasating mabuti at papanagutin ang dahilan ng maling pagkakapiit kay de Lima, maging ang iba pang political prisoners.

Nobyembre 13 nang pinahintulutan ng Muntinlupa RTC si de Lima na magpiyansa ng nagkakahalaga ng P300,000, gayundin ang iba pang akusado na sina dating Bureau of Corrections chief Franklin Bucayu, dating driver-body guard Ronnie Dayan, police asset Jose Adrian Dera, at security aide Jonnel Sanchez.

“We must hold accountable those who have abused their power and trampled on the rights of our fellow Filipinos,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Patuloy na naninindigan ang Caritas Philippines kasama ang human rights group upang tuluyan nang mahinto ang pang-uusig sa mga political prisoner, at matiyak na ang bawat Pilipino ay makakamit ang katarungan.

Una nang nagpahayag ng suporta hinggil sa paglaya ni de Lima sina CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David; Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani, Jr.; at CBCP-Public Affairs Commission executive secretary Fr. Jerome Secillano.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 3,624 total views

 3,624 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 45,516 total views

 45,516 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 99,559 total views

 99,559 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 127,481 total views

 127,481 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 145,131 total views

 145,131 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top