Negrenses, tutol sa pagtatayo ng coal fired power plant

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 525 total reads

Tinututulan ng may isang libong mamamayan ng Negros Occidental ngayong araw ika-6 ng Marso, 2019 ang patuloy na banta ng pagtatayo ng mga Coal Fired Power Plant sa lalawigan.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerry Alminaza, kasabay ng Miyerkules ng Abo ay ibibigay ng simbahan ang kanilang buong suporta sa mga kabataang nanguna sa pagtitipon.

Inorganisa ng grupong Youth for Climate Hope ang pagkilos na isinagawa sa Provincial Capitol grounds ng Negros Occidental.

Isinagawa din ang “no to coal fired power plant” assembly sa Dumaguete city, Negros Oriental bilang pagpapakita ng pagkakaisa ng mamamayan.

Naniniwala si Bishop Alminaza na isang malaking hakbang ang pagkilos ng mga kabataan para sa kanilang kinabukasan.

Bukod sa suporta, nag-alay ng panalangin at paggabay ang Diocese of San Carlos sa pagkilos ng mga kabataan lalo na ngayong Year of the Youth.

“Sabi nga ng mga youth, we will stand against this because this is about our future, and also it is in honor of those na nagsimula nito noon pa na nag file against coal.” pagbabahagi ni Bishop Alminaza.

Dahil dito, umapela ng panalangin ang Obispo sa mga mananampalataya lalo na ngayong pagsisimula ng panahon ng kuwaresma.

Ayon kay Bishop Alminaza, bagamat hindi makakasama ang ibang mananampalataya sa kanilang pagtitipon ay malakas pa rin ang maitutulong ng panalangin upang magtagumpay ang patuloy na laban ng Diyosesis ng San Carlos sa mga nais sumira sa kalikasan.

Noong 2018, natukoy na 300MW Coal Fired Powerplant ang planong itayo ng SMC Global Power Holdings Corp. sa Negros Occidental.

Mahigpit na tinututulan ng Diocese of San Carlos ang pagtatayo ng coal fired powerplant at isinusulong ang paggamit ng renewable energy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 213,621 total reads

 213,621 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 248,294 total reads

 248,294 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 264,194 total reads

 264,194 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 300,684 total reads

 300,684 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 306,604 total reads

 306,604 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 384,501 total reads

 384,501 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top