VeritasPH

The Word, The Truth

Inaresto na Filipinong Pari sa Philadelphia, isang taon ng inalisan ng faculty

SHARE THE TRUTH

 147 total views

Tiniyak ng Arkidiyosesis ng Philadelphia na nakipagtulungan ito sa mga otoridad kaugnay sa kasong pang-aabuso na kinakaharap ng isang Filipinong Pari.

Sa pahayag ng Arkidiyosesis, mananatiling tagapagtaguyod ng karapatan ng mamamayan lalo na sa mga kabataan ang mga lingkod ng Simbahan dahil ito ay kawan na ipinagkatiwala ng Panginoon sa kanilang pangangalaga.

“The Archdiocese is cooperating fully with law enforcement regarding this matter and remains fervently committed to preventing child abuse as well as protecting the children and young people entrusted to its care,” pahayag ni Archbishop Charles J. Chaput, O.F.M. Cap.

Inihayag ng Archdiocese of Philadelphia na noong ika – 16 ng Marso 2018 nang makatanggap ng abiso ang Arkidiyosesis mula sa Philadelphia Police Department hinggil sa reklamong pang-aabuso ni Rev. Fr. Armand Garcia sa isang menor de edad na babae na naglilingkod sa Saint Martin of Tours Parish.

Kagyat na ipinag-utos ni Philadelphia Archbishop Charles J. Chaput, O.F.M. Cap ang pag-alis kay Fr. Garcia sa serbisyo habang isinasagawa ang imbestigasyon sa kasong kinakaharap.

Kasabay nang ipinataw na administrative leave, hindi pinahihintulutan ng Arkidiyosesis ang Pari na makapagsagawa ng mga Sakramento ng Simbahang Katolika at hindi rin ito maaaring magpakilalang Pari sa publiko.

Ang kaparusahan ay agad na ipinaalam sa buong Arkidiyosesis ng Philadelphia partikular sa Saint Martin of Tours Parish at Immaculate Heart of Mary Parish, ang huling dalawang parokyang pinaglingkuran ng Pari.

“Father Garcia was immediately placed on administrative leave and had his priestly faculties restricted by Archbishop Chaput following the notification from law enforcement,” dagdag ng Arkidiyosesis.

COMBAT SEXUAL ABUSE

Tiniyak pa ng Arkidiyosesis na kaisa ito sa kampanya ng Simbahan na labanan ang pang-aabusong kinasangkutan ng mga lingkod ng Simbahan batay na rin sa panawagan ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa katatapos na February Summit on Sexual Abuse sa Vatican na Protection on Minors.

Sa nasabing pagpupulong na dinaluhan ng halos 200 pangulo ng Episcopal Conferences sa buong mundo, binigyang diin ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na nag-iwan ng malalim na sugat sa puso ng bawat biktima ang pang-aabusong kinasangkutan ng mga Pari.

Tinalakay din sa pagtitipon ang mga hakbangin na nararapat gawin ng Simbahan upang mahinto ang pang-aabusong sekswal ng iilang lingkod ng Simbahan sa mga kabataan.

REPORT ABUSES

Kaugnay dito hinimok ng Simbhahang Katolika na ipagbigay alam sa mga tanggapan ng bawat Diyosesis ang mga pang-aabusong nangyayari.

Kinilala ng Archdiocese of Philadelphia ang sakit na nararamdaman ng mga biktima ng karahasang sekswal at pananamantala kaya’t hinikayat ang mamamayan ng Philadelphia na ipagbigay alam sa Victim Assistance Office of the Archdiocese ang mga kaso ng pang-aabuso ng mga Pari, Diyakono at maging mga empleyado ng Arkidiyosesis.

Ika – 4 ng Marso ng taong kasalukuyan, inaresto si Fr. Garcia ng mga otoridad batay sa impormasyong ibinahagi ng District Attorney’s Office ng Philadelphia at mahaharap ito sa kasong panggagahasa, corruption of minor at sexual abuse of minor.

Batay sa ulat, higit sa 1000 ang bitkima ng pang-aabuso ng higit 300 mga Pari ang naitala sa Amerika na patuloy iniimbestigahan.

Sa Pilipinas una nang tiniyak ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico ang chairman ng Episcopal Commission on Clergy na hindi tumitigil ang Simbahan sa pagpapatupad ng mga reporma tulad nang ‘Spiritual at Moral refoi”rm’ sa mga Pari na nasasangkot sa pang-aabuso.

Read: STATEMENT FROM THE ARCHDIOCESE OF PHILADELPHIA REGARDING REVEREND ARMAND D. GARCIA

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 3,307 total views

 3,307 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 9,064 total views

 9,064 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 16,327 total views

 16,327 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 24,312 total views

 24,312 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 31,848 total views

 31,848 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mag-asawa, hinimok na maging huwaran sa mga anak

 3,062 total views

 3,062 total views Hinimok ng Archdiocese of Cebu Commission on Family and Life ang mga mag-asawa na magsilbing huwaran sa lipunan lalo na sa kabataan upang maisakatuparan ang habambuhay na pagsasama. Sa ginanap na ikawalong Archdiocesan Couples’ Day kasabay ng kapistahan nina Saints Louis at Zelie Martin ang magulang ni St. Therese of the Child Jesus,

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kapayapaan, patuloy na ipinagdarasal ni Pope Francis

 3,136 total views

 3,136 total views Patuloy na ipinapanalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kaayusan at kapayapaan ng buong daigdig. Sa Angelus na pinangunahan ni Pope Francis hiniling nito ang pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria para sa kahinahunan ng puso ng mga biktima ng karahasan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito rin ay kaugnay sa pagdiriwang ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

 6,220 total views

 6,220 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan. “To hope is to believe in something good. But

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

 6,228 total views

 6,228 total views Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan. Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

 6,761 total views

 6,761 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion. Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City. “Marian devotees, members of church organizations (Fatima and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

 6,784 total views

 6,784 total views Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

 7,806 total views

 7,806 total views Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas. Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

 7,946 total views

 7,946 total views Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

 7,953 total views

 7,953 total views Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 national shrines, itinalaga ng CBCP

 8,257 total views

 8,257 total views Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte. Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 paring Cebuano, itinalaga ni Pope Francis sa Vatican

 10,632 total views

 10,632 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dalawang Cebuanong pari sa mga tanggapan ng Holy See sa magkakaibang lugar. Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang pagtalaga ni Pope Francis kay Msgr. Jan Thomas Limchua bilang Counselor of the Apostolic Nunciature ng Kingdom of The Netherlands habang Attache ng Apostolic Nunciature of Ivory Coast naman

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

 11,148 total views

 11,148 total views Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

 11,863 total views

 11,863 total views Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Parangalan si Pope Francis, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

 14,701 total views

 14,701 total views Inaanyayahan ng opisyal ng Vatican ang mga Pilipinong makiisa sa taunang pagdiriwang ng Pope’s Day sa June 29, 2024. Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, inihayag nitong ito ang pagkakataong gunitain sa pamamagitan ng panalangin ang malaking tungkulin na ginagampanan ng santo papa sa simbahang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan

 14,162 total views

 14,162 total views Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan sa lipunan. Ito ang pagninilay ng cardinal sa paglunsad ng Rosas ng Sampiro Festival sa Makati City nitong June 23, 2024. Ayon sa arsobispo, tulad ng Mahal na Ina na buong tapang na nanatili sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top