Plant Based Diet challenge, tinanggap ni Bishop David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 440 total reads

Pinasimulan ni Radio Veritas President at Caritas Manila Executive Director Father Anton CT Pascual ang Kilusang Plant Based Diet challenge.

Ang Plant Based Diet Challenge ay ang pagluluto at pagkain ng gulay sa loob ng 40-araw ngayong panahon ng kuwaresma o paggunita ng lent.

Sinabi ni Father Pascual na ang challenge ay magsisilbi bilang pag-aayuno o pag-iwas sa pagkain ng karne o masasarap na pagkain ngayong kuwaresma.

Bahagi ng kampanya at adbokasiya ng Radio Veritas at Caritas Manila ang mabuting pangangalaga sa kalusugan at kalikasan.

Iginiit ng pangulo ng Radio Veritas na ang hindi pagkain ng karne ay hindi lamang pakikipag-ugnayan sa Diyos kungdi pangangalaga sa ating katawan na siyang templo ng Panginoon.

Unang hinamon ni Father Pascual si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na siyang ring Vice-President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na gawin ang Kilusang Plant Based Diet Challenge o hindi pagkain ng karne at mga pagkain may mukha.

Read: Kilusang Plant-Based Challenge

Ang hamon ay malugod namang tinanggap ni Bishop David.

Matutunghayan ang pagtanggap ni Bishop David sa hamon sa hamon ni Father Pascual sa www.veritas846.ph at programang Katok-Tahanan ng Radio Veritas

Upang malaman kung sino ang tatanggap sa hamon ni Bishop David ay mag-log on sa www.veritas846.ph.

Nabatid sa pag-aaral na naglalabas ng greenhouse gas ang livestock at meat production na mapanganib sa kalikasan dahil nagdaragdag sa pag-init ng mundo.

Sinabi sa pag-aaral na 60-porsiyento ng kinakain ng tao ay processed food at 30-porsiyento ay karne na dahilan ng maraming sakit.

Ayon sa pag-aaral, 10-porsiyento lamang sa mga kinakain ng tao ay mga prutas at gulay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 68,345 total reads

 68,345 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 116,609 total reads

 116,609 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 164,480 total reads

 164,480 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 268,425 total reads

 268,425 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 351,308 total reads

 351,308 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top