Never give up on God’s mercy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,021 total reads

Alalahanin ang pagmamahal ng Panginoon para sa sanlibutan upang maipadama ang kalinga sa kapwa.

Ito ang hamon ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa misang iniaalay bilang pagdiriwang Sa Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus sa National Shrine of the Sacred Heart sa Makati City.

Ipinagdarasal ng Cardinal na laging maalala ng mga mananampalataya na kasama nila ang Panginoon higit na sa oras ng pangangailangan, sigalot o sakuna upang iparanas ang kaniyang kalinga.

“Sa gitna ng magulong mundo, inalay ni Hesus ang kaniyang puso bilang tahanan, dinadala niya tayo sa mahigpit na yakap ng Banal na Santatlo,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Iginiit din ng rector na si Fr.Roderick Castro at Ministry member Fr.Roy Bellen ang kahalagahan na isabuhay ng mga mananampalataya ang mga aral na itinuturo ng pagdiriwang ng Sacred Heart.

Tiwala si Father Bellen na hindi manawa ang mga mananampalataya na humingi ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan at pagkululang sa Diyos.

“Anumang pagkakasala na mayroon po tayo, tayo po ay humihingi ng tawad, ng pagpapatawad po ng Diyos at higit sa lahat tayoy kaya niyang yakapin at sabihin na mahal na mahal tayo ng Diyos, siguro po ito ang magandang mensahe ngayon even if we have our shortcomings or failures na never give up on God and never give up on God’s mercy,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Bellen.

Panalangin naman ni Father Castro na naway sa pamamagitan ng Pananampalataya ng mamamayan at deboto ay maging kawangis mg puso ng bawat isa ang Kabanal-banalang Puso ni Hesus.

“Sana yun din ang maging dasal ng bawat Pilipino, ng bawat deboto ng mahal na puso ni Hesus, hilingin natin sa kaniya na matulad ang puso natin sa kaniyang puso, puso na mapagmahal puso na mahabagin, puso na mapagpatawad, palagay ko kapag nataglay narin yung puso na yun ano pa bang hihinging iba? Katulad na natin ang puso ng ating Panginoong Hesus Kristo,” bahagi naman ng panayam ng Radio Veritas kay Father Castro.

Sa pagdiriwang sa kapistahan ay isinagawa ang unveiling ng bagong logo ng National Shrine of the Sacred Heart na binasbasan ni Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 110,661 total reads

 110,661 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 248,646 total reads

 248,646 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 364,422 total reads

 364,422 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 480,419 total reads

 480,419 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 97,710 total reads

 97,710 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »
Scroll to Top