Normal na ba talaga ang karahasan?

SHARE THE TRUTH

 430 total views

Mga Kapanalig, kinagabihan ng ika-4 ng Marso, naglabas ng pahayag si Dumaguete Bishop Julito Cortes ukol sa pagpaslang sa gobernador ng Negros Oriental na si Governor Roel Degamo at siyam na iba pa. Nakiusap siya sa mga mananampalataya sa diyosesis na ipagdasal ang mga pinatay at ang kanilang naulilang mga pamilya. Kinundena ng obispo ang walang saysay na pagpatay sa probinsya. Tanong niya: paano natin makakamit ang pangmatagalang kapayapaan kung nagpapatuloy ang kultura ng karahasan sa Negros Oriental? Kailan matutuldukan ang tila walang katapusang pagpatay?

Magtatanghali ng araw na iyon nang binaril si Governor Degamo sa kanyang bahay sa bayan ng Pamplona sa Negros Oriental. Habang kinakausap daw ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya sa kanilang lugar, dumating ang isang grupo ng mga armadong lalaki naka-full battle gear. Pagkapatay sa gobernador at ilan pang sibilyan, agad na tumakas ang anim hanggang sampung suspek. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis at paghahanap sa mga suspek. Inihatid naman na sa huling hantungan ang gobernador. 

Pinagtibay noong nakaraang buwan lamang ng Korte Suprema ang proklamasyon ni Degamo bilang gobernador ng probinsya. Ito ay matapos ibasura ng korte ang petisyon ng kanyang kalaban noon na si Pryde Henry Teves laban sa Commission on Elections (o Comelec) na ibinilang ang mga boto ng isang nuisance candidate kay Governor Degamo. Tumangging umalis sa puwesto si Teves. Away pulitika ang isa sa mga sinisilip na motibo sa pagpatay sa gobernador ng Negros Oriental. 

Dagdag si Governor Degamo sa humahabang listahan ng mga pulitikong inatake sa ating bansa, at siya ang ikatlong pinaslang mula noong eleksyon ng 2022. Pebrero din ngayong taon nang atakihin si Governor Mamintal Adiong ng Lanao del Sur. Sa buwan ding iyon, binaril at napatay ang bise-alkalde ng Aparri, Cagayan na si Rommel Alameda.  

Matatandaan ding naging laman ng mga balita ang mga patayan sa Negros Oriental noong 2019. Sa ilalim ng tinatawag na Oplan Sauron ng PNP, ilang buwang dumanak ang dugo sa probinsya. Tinugis noon ng mga pulis ang anila’y mga kasapi ng New People’s Army na inuugnay nila sa kriminalidad at paglaganap ng droga roon. Hindi pa man nakakaanim na buwan ang Oplan Sauron, dalawampung katao na, kabilang ang isang abugadong tumutulong sa mga nangangailangan, ang binawian ng buhay.

Tama si Bishop Cortes, isang kultura ng karahasan ang bumabalot sa Negros Oriental. At ang tanong niya ay tanong din natin: kailan ito matatapos?  

Katulad nga ng nakasaad sa Mga Kawikaan 13:2, “Ang ninanasa ng masama ay puro karahasan.” Wala nang iba kundi kasamaan ang nasa likod ng karahasan—karahasang buhay ang maaaring maging kapalit. At walang lugar sa isang makataong lipunan ang paggamit ng karahasan, lalo na kung ito ay upang pagtakpan ang mali, upang manatili sa kapangyarihan, o upang pairalin ang baluktot na mga pananaw. Kung tunay nating pinahahalagahan ang ating buhay at ang ating bayan, hindi natin gagamiting kasangkapan ang karahasang sumisira ng buhay at sumisira sa lipunan. Paalala nga si Pope Paul VI, kung gusto natin ng kapayapaan, maging makatarungan tayo.5 Kaya tanungin natin ang ating mga sarili: ano ang ninanasa natin para sa ating pamilya? Tanungin natin ang ating mga lingkod-bayan: ano ang ninanasa nila para sa ating bayan?  

Mga Kapanalig, hinihiram natin ang mga salita ni Dumaguete Bishop Cortes: nawa’y magtulungan ang kinauukulan upang mabilis na mabigyang-katarungan ang pagkakapatay kay Governor Degamo nang sa gayon ay matamo nila ang kapayapaan at katarungan sa Negros Oriental. Ito rin ang hangad natin para sa iba pang biktima ng karahasan upang hindi na maging normal sa ating bansa ang walang saysay na pagpatay. 

Sumainyo ang katotohanan.   

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

“Climate crisis is a child crisis”

 17,167 total views

 17,167 total views Mga Kapanalig, para maiwasan nang makulob ang ating mga estudyante sa mainit na silid-aralan tuwing Abril at Mayo, ia-adjust na ng Department of Education (o DepEd) ang darating na school year. Ang paparating na school year 2024-2025 ay magsisimula sa July 29 ngayong taon at matatapos sa March 31 ng susunod na taon.

Read More »

Kuryente at kalikasan

 28,013 total views

 28,013 total views Mga Kapanalig, kumasa na rin ba kayo sa “bill reveal challenge” na uso ngayon sa social media? Ito ay mga video kung saan dahan-dahan ipinasisilip ang total electric bill na para bang premyo sa isang gameshow. (Pero ingat lang po sa paggawa ng challenge na ito; baka kumalat ang inyong personal na impormasyon

Read More »

Paano tayo bumuboto?

 41,304 total views

 41,304 total views Mga Kapanalig, may misteryong sinusubukang lutasin ang ating mga senador habang dinidinig nila ang isyu ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (o POGO) sa Pilipinas, partikular na sa probinsya ng Tarlac.  Iniuugnay kasi sa mga ito ang alkalde ng bayan ng Bamban, Tarlac na si Mayor Alice Leal Guo. Nasa kanyang bayan kasi

Read More »

Learning Poverty

 38,980 total views

 38,980 total views Ang edukasyon ay itinuturing na pundasyon ng kaunlaran. Mapa-pormal o impormal man, ang edukasyon ay nagbibigay ng kaalaman at kasanayan na kailangan ng tao upang makamit ang mas maginhawang buhay. Pero sa kabila ng kahalagahan nito, umiiral pa rin ang learning poverty sa ating bansa. Hanggang ngayon kapanalig, nakaka-alarma ang taas ng antas

Read More »

Kahirapan at Climate Change

 58,331 total views

 58,331 total views Ang ating bansa ay sagana sa likas na yaman at makulay na kultura. Sa kabila ng yamang ito, napakarami pa rin sa ating bansa ang napakahirap, kapanalig. Ayon sa mga datos, halos ikatlo ng ating populasyon ay nabubuhay sa ilalim ng poverty line.  Base sa opisyal na datos, ang Central Visayas ang may

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Climate crisis is a child crisis”

 17,168 total views

 17,168 total views Mga Kapanalig, para maiwasan nang makulob ang ating mga estudyante sa mainit na silid-aralan tuwing Abril at Mayo, ia-adjust na ng Department of Education (o DepEd) ang darating na school year. Ang paparating na school year 2024-2025 ay magsisimula sa July 29 ngayong taon at matatapos sa March 31 ng susunod na taon.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente at kalikasan

 28,014 total views

 28,014 total views Mga Kapanalig, kumasa na rin ba kayo sa “bill reveal challenge” na uso ngayon sa social media? Ito ay mga video kung saan dahan-dahan ipinasisilip ang total electric bill na para bang premyo sa isang gameshow. (Pero ingat lang po sa paggawa ng challenge na ito; baka kumalat ang inyong personal na impormasyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paano tayo bumuboto?

 41,305 total views

 41,305 total views Mga Kapanalig, may misteryong sinusubukang lutasin ang ating mga senador habang dinidinig nila ang isyu ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (o POGO) sa Pilipinas, partikular na sa probinsya ng Tarlac.  Iniuugnay kasi sa mga ito ang alkalde ng bayan ng Bamban, Tarlac na si Mayor Alice Leal Guo. Nasa kanyang bayan kasi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Learning Poverty

 38,981 total views

 38,981 total views Ang edukasyon ay itinuturing na pundasyon ng kaunlaran. Mapa-pormal o impormal man, ang edukasyon ay nagbibigay ng kaalaman at kasanayan na kailangan ng tao upang makamit ang mas maginhawang buhay. Pero sa kabila ng kahalagahan nito, umiiral pa rin ang learning poverty sa ating bansa. Hanggang ngayon kapanalig, nakaka-alarma ang taas ng antas

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan at Climate Change

 58,332 total views

 58,332 total views Ang ating bansa ay sagana sa likas na yaman at makulay na kultura. Sa kabila ng yamang ito, napakarami pa rin sa ating bansa ang napakahirap, kapanalig. Ayon sa mga datos, halos ikatlo ng ating populasyon ay nabubuhay sa ilalim ng poverty line.  Base sa opisyal na datos, ang Central Visayas ang may

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Internet para sa Lahat

 36,930 total views

 36,930 total views Kapanalig, andito na tayo sa panahon ng digitalization at artificial intelligence. Hindi na dapat tayo babagal bagal at aandap andap sa pagyakap ng ganitong teknolohiya. Tayo ay nasa panibagong industrial revolution na  – at ang mahuli, talo. Pero sa ating bansa, ang access sa internet ay hindi pantay pantay hanggang ngayon. Kaya’t kahit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mabisang 911 emergency hotline sa Pilipinas

 41,829 total views

 41,829 total views Mga Kapanalig, kapag tayo ay tumawag sa Diyos, sabi sa Isaias 65:24, ang Kanyang tugon ay mabilis.  Sa inyong karanasan, ganito rin ba ang tugon ng ating gobyerno sa tuwing ang mga mamamayan ay tumatawag sa kanila upang humingi ng tulong? Mabilis din ba itong sumagot sa ating tawag? Siguro, para sa ating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanlungan sa kumukulong planeta

 44,631 total views

 44,631 total views Mga Kapanalig, patuloy pa rin ang pagdanas natin ng napakatinding init. Noong nakaraang linggo, umabot na sa 131 na lokal na pamahalaan ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño. Halos kada araw ay may mga paaralang nagsususpinde ng face-to-face classes dahil sa init. Inaasahang magtatagal pa ang El

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang karapatan ng mga dalaw

 43,816 total views

 43,816 total views Mga Kapanalig, naghain ng reklamo sa Commission on Human Rights (o CHR) ang mga asawa ng persons deprived of liberty (o PDL), partikular na ng mga political detainees, dahil sa “strip search” na isinagawa sa kanila sa New Bilibid Prison (o NBP). Pinaghubad at pina-squat daw sila nang ilang beses bago madalaw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 66,471 total views

 66,471 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 71,872 total views

 71,872 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 78,571 total views

 78,571 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 93,357 total views

 93,357 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 99,505 total views

 99,505 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 44,528 total views

 44,528 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top