Makibahagi sa Earth Hour 2023, panawagan ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,507 total reads

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na makibahagi sa pagdiriwang ng Earth Hour 2023 ngayong Sabado, ika-25 ng Marso.

Ayon kay Baguio Bishop Victor Bendico, mahalagang tumalima ang bawat isa sa hinaing ng inang kalikasan na lubos nang apektado ng mga pinsalang sanhi ng pagmamalabis ng mga tao.

Paliwanag ni Bishop Bendico na hindi masama ang pag-unlad ngunit dapat isaalang-alang ang kapakanan ng kalikasan laban sa pagkapinsala.

Tinukoy ng Obispo ang iba’t ibang uri ng polusyon, krisis sa basura, pagpuputol ng mga punongkahoy, at pagpapatag ng kabundukan na nagreresulta sa malawakang pagbaha lalo na sa mabababang lugar.

“Let us be reminded that urbanization and development when it becomes excessive has its collateral damage: urban decay. Environmental concerns like air pollutions, shrinking forest areas and watershed, traffic congestion, biodiversity loss and garbage problem are the end results,” pahayag ni Bishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

Hinikayat din ni Bishop Bendico ang bawat isa na magpatay ng mga ilaw at iba pang kagamitang de-kuryente sa loob ng isang oras bilang pakikiisa sa adbokasiya ng Earth Hour.

Gayundin ang pagsisikap na isabuhay ang pagiging mabubuting katiwala ng sangnilkha upang mapanatili ang nag-iisang tahanan para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

“Let us be stewards of God’s gift of creation. There is an inner call requiring a response of commitment for the future of our children and our common home,” ayon kay Bishop Bendico.

Si Bishop Bendico na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Liturgy ay kabilang sa mga magbibigay ng maikling pagninilay sa “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan: Earth Hour 2023 #BiggestHourForEarth” special programming ng Radio Veritas sa March 25 mula alas-otso hanggang alas-10 ng gabi.

Taong 2007 nang unang isagawa ang Earth Hour sa Sydney, Australia, at 2008 nang ilunsad naman ito sa Pilipinas sa pangunguna ng World Wide Fund for Nature-Philippines.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 19,812 total reads

 19,812 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 19,939 total reads

 19,939 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 36,003 total reads

 36,003 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 92,409 total reads

 92,409 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 215,910 total reads

 215,910 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 299,534 total reads

 299,534 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,918 total reads

 175,918 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top