Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nuestra Senora del Pilar Shrine and Parish, humingi ng paumanhin sa kontrobersiyal na concert

SHARE THE TRUTH

 5,329 total views

Humingi ng paumanhin ang Nuestra Senora del Pilar Shrine and Parish sa Mamburao Occicdental Mindoro sa mga nasaktan sa nangyaring pagtatanghal sa loob ng simbahan kamakailan.

Aminado si Parish Priest Fr. Carlito Meim Dimaano sa mga pagkukulang hinggil sa secular concert sa loob ng simbahan na labis nakasasakit sa damdamin ng mananampalataya dahil sa kawalang paggalang sa bahay dalanginan.

“Buong kababaang -loob po akong humihingi ng kapatawaran sa lahat ng nasaktan mula sa mga pagkakamaling nasaksihan sa Heavenly Harmony Concert na ginanap sa Nuestra Senora del Pilar Shrine and Parish noong ika – 6 ng Oktubre 2024. Inaamin ko pong may mali kaming desisyon ukol dito. Inaako ko po ang lahat ng mga pagkakamaling ito,” bahagi ng pahayag ni Fr. Dimaano.

Gayundin humingi ng paumanhin ang pari kay San Jose Occidental Mindoro Bishop Pablito Tagura dahil sa insidente kung saan ang parokya ay nasasakop ng bikaryato.

Humiling din ng paumnahin si Fr. Dimaano kay Julie Ann San Jose at Jessica Villarubin na nakatanggap ng mga hindi kaaya-ayang komento matapos ang pagtatanghal sa loob ng simbahan.

Matatandaang kinundena ng kristiyanong pamayanan ang pagtatanghal sa loob ng simbahan dahil kalapastanganan ito sa banal na dambana.

“Natuto po ako ng lubos sa pangyayaring ito. Kung maibabalik ko lamang ang panahon, disin sana’y naisakatuparan ng tama at wagas ang gawaing ito na alay kay Maria.
Ipinapangako ko pong hindi na mauulit ang nangyaring ito, ” ani Fr. Dimaano.

Humingi naman ng pang-unawa at kapatawaran ang bikaryato sa insidenteng nangyari sa simbahan.

“We are very sorry for those who have been offended and scandalized. We seek your understanding and beg for forgiveness,” anila.

Isinasaad sa Canon 1239 ‘An altar, whether fixed or movable, must be reserved for divine worship alone, to the absolute exclusion of any profane use’ habang ayon naman sa Canon 1211 Sacred places are violated by gravely injurious actions done in them with scandal to the faithful, actions which, in the judgment of the local ordinary, are so grave and contrary to the holiness of the place that it is not permitted to carry on worship in them until the damage is repaired by a penitential rite according to the norm of the liturgical books.’

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 46,958 total views

 46,958 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 63,046 total views

 63,046 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 100,442 total views

 100,442 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 111,393 total views

 111,393 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top