UP-PGH chaplaincy, nagpapasalamat sa nakiisa sa Dugong Alay, Dugtong Buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,432 total reads

Nagpapasalamat si University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Chaplaincy head, Fr. Marlito Ocon, SJ sa mga blood donor at volunteers na nakibahagi sa isinagawang blood donation drive.

Ito ang Dugong Alay, Dugtong Buhay na inorganisa ng Loyola School of Theology Student Council noong October 8 sa Loyola House of Studies sa Ateneo de Manila University, Quezon City.

Ayon kay Fr. Ocon, ang paglalaan ng oras ng mga blood donor at volunteers ay sumasalamin sa pagpapahalaga sa kanilang mga naibahagi na makatutulong sa charity patients ng UP-PGH.

“Your selflessness has made a significant impact on the lives of those in need. Every drop counts, and your donation is truly appreciated,” pahayag ni Fr. Ocon.

Nasa 75 blood bags ang nakolekta sa blood donation drive, malaking tulong na para sa mga pasyente ng ospital na kapos ang kakayahan para bumili ng dugo.

Tinatayang nasa humigit-kumulang 120 operasyon ang isinasagawa sa PGH kada araw kaya bilang tugon, taun-taon inilulunsad ng institusyon ang blood donation drive upang maibsan ang pasanin at makatulong sa pangangailangan ng charity patients.

Lubos ding nagpapasalamat si Fr. Ocon sa mga nakatuwang sa gawain kabilang ang Loyola School of Theology, Loyola House of Studies, PGH Blood bank, at PGH chapel volunteers.

“Together, we are saving lives and making a difference in the lives of our poor and sick brothers and sisters in PGH,” dagdag ni Fr. Ocon.

Ayon sa mga dalubhasa, ang pagbabahagi ng dugo ay hindi lamang nakatutulong sa kapwa, kundi nagdudulot din ng benepisyo sa sarili tulad ng pagbaba ng posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso tulad ng Cardiovascular disease.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 22,939 total reads

 22,939 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 104,042 total reads

 104,042 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 137,491 total reads

 137,491 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 172,789 total reads

 172,789 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 398,525 total reads

 398,525 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,059 total reads

 156,059 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top