Obispo, humiling ng panalangin sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 812 total reads

Hiniling ni Catarman Bishop Emmanuel Trance sa mananampalataya ang patuloy na panalangin para sa misyon ng mga pastol ng Simbahan.

Ito ang pagninilay ng Obispo sa ginanap na Chrism Mass ng Diyosesis kung saan sinariwa ng mga pari ang pangakong pakikiisa sa misyon ni Hesus.

“We ask you to pray for your priests, and for your bishops as well. Prayer is the oxygen of our life, and your prayer continually bring us to the anointing on the day of our baptisms,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Trance.

Paalala ng Obispo sa mga pari na dumalo ang kahalagahan ng pakikiisa sa misyon ni Hesus bilang mga pari na naghahatid ng Mabuting Balita sa pamayanan.

Iginiit ni Bishop Trance na malaki ang maitutulong ng mga panalangin para sa kalakasan ng mga pari na ipagpatuloy ang misyon na maging tagapaglingkod sa sambayanan.

“In spite of our weaknesses and sinfulness we are staying strong to share with the mission of Christ, after all it is Jesus’ mission, we are just instruments, we are the servant leaders or the servant of the royal priesthood or the people of God. As God came not to be served, but to serve,” ani ng Obispo.

Kasabay nito ang pagbabasbas sa Banal na Langis na ginagamit sa mga Sakramento ng Simbahan kung saan ipinaliwanag ni Bishop Trance na ito ay sagisag ng presensya ni Hesus, kapatawaran ng kasalanan at pagkakataong makibahagi sa misyon ni Kristo.

Ginanap ang Chrism Mass sa Catarman Cathedral Parish sa pangunguna ni Bishop Trance kasama ang 42 mga pari at si Bishop Emeritus Angel Hobayan.

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 445 total reads

 445 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 6,089 total reads

 6,089 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 43,469 total reads

 43,469 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 74,740 total reads

 74,740 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 151,881 total reads

 151,881 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 245,801 total reads

 245,801 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top