Obispo, nagpaabot ng pakikiramay sa Jesuit community

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 613 total reads

Nagpaabot ng pakikiramay si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa Jesuit community kasunod ng pagpanaw ng kilalang Jesuit priest at constitutionalist na si Rev. Fr. Joaquin Bernas.

Ayon sa Obispo, malaking kawalan si Fr. Bernas na maituturing na isang regalo hindi lamang para sa Simbahang Katolika kundi sa buong Pilipinas.

“Nakikiramay po kami sa Jesuit community at on the other hand we wish to thank them for the gift of Fr. Bernas to the Church and to the Philippines as a whole country”. pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ng Obispo na isa rin sa mga nagbalangkas ng 1987 constitution, personal niyang nasaksihan ang kahusayan at kagalingan ni Fr. Bernas sa larangan ng batas bilang kasapi ng Constitutional Commission.

Sinabi ni Bishop Bacani na masusing nakikinig ang lahat sa kanyang mga opinyon at mungkahi ng kanilang binabalangkas ang kasalukuyang Saligang Batas ng bansa.

“Napakagaling pong tao niyan, napakagaling at dun sa Con-Com yung para sa paggawa ng 1987 constitution ay talagang isa siya sa pinaka-briliant participants members ng Constitutional Commission na yun without doubt and I could see the other Commissioners listening o him very intently kapag siya ang nag-intervene, napakagaling po niyan.” Dagdag pa ni Bishop Bacani.

Ibinahagi rin ng Obispo ang aktibong pagtulong ni Fr. Bernas sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa tuwing magkakaroon ng mga usapin na kinakailangan ng legal na paggabay.

Inihayag ni Bishop Bacani na malaking karangalan na makasama at makatrabaho si Fr. Bernas na hindi lamang inilaan ang kanyang buhay para sa Panginoon kundi maging sa pagkakaroon ng kaayusan sa bayan.

“Tapos napakagaling din naman niya na tumulong sa CBCP particular kapag meron kaming mga legal issues ang unang tinatakbuhan talaga ay si Fr. Joaquin Bernas talaga palaging siya ang inuunang tinatanong tungkol sa mga legalities ng mga issues na nasasangkot kaya malaking kawalan si Fr. Joaquin Bernas at malaki namang karangalan para sa mga members ng Society of Jesus dito sa Philippines na nagkaroon ng isang Fr. Joaquin Bernas sa kanilang bilang…”Ayon kay Bishop Bacani.

Iginiit ng Obispo na bukod sa kahanga-hangang galing at kaalaman sa batas ay maiiwan ding legacy ni Fr. Bernas ang kanyang pagiging isang huwarang lingkod ng Panginoon na tiniyak na nakaakma sa batas ng Panginoon ang batas na nakapaloob sa Saligang Batas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 6,846 total reads

 6,846 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 59,655 total reads

 59,655 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 107,527 total reads

 107,527 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 211,474 total reads

 211,474 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 297,266 total reads

 297,266 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top