Obispo, nananawagan ng “Sapat-lifestyle” para sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

 3,538 total views

Muling iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kahalagahan ng “sapat-lifestyle” alang-alang sa pangangalaga sa kalikasan.

Ayon kay Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, ang paraan ng pagbabago ng pamumuhay tungo sa pagiging payak ang higit na kinakailangan sa gitna ng mga nangyayaring krisis sa kapaligiran.

Ang pahayag ng obispo ay kaugnay sa paggunita sa Philippine Environment Month ngayong Hunyo, at World Environment Day sa Hunyo 5.

“Talagang nananawagan ang environment ng nararapat na pangangalaga. Pahalagahan natin siya. Sana magbago ang lifestyle natin alang-alang sa inang kalikasan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Office on Stewardship na ang pagiging mabubuting katiwala ng sangnilikha ay hindi mahirap na gampanin.

Sinabi ng obispo na sa pagtutulungan ng bawat isa ay unti-unting makakamit ang layuning mapigilan ang pagkasira ng nag-iisang tahanan para sa kapakinabangan ng susunod pang henerasyon.

“Pwede nating ipakita ang pamumuhay ng payak at sapat sa pamamagitan ng ating kinakain; sa ating ginagamit tulad ng hindi masyado paggamit ng plastic; at sa ating pagsasalita na bigyan nating halaga ang environment. So, ‘yun po ‘yung mga konting contribution. Pero kung bawat isa sa atin ay gagawa ng kanyang contribution, magbabago po ang kalikasan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Abril 4, 1988 nang ideklara ni dating Pangulong Corazon Aquino ang Hunyo bilang Philippine Environment Month upang paglaanan ng panahon at kumilos tungo sa pangangalaga, pagpapahusay, at pagpapaunlad ng kalikasan sa bansa.

Habang taong 1974 naman nang unang ideklara ng United Nations ang World Environment Day tuwing Hunyo 5 upang paigtingin ang kamalayan ng publiko at itaguyod ang kaligtasan ng nag-iisang tahanan laban sa tuluyang pagkasira.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive mobility

 23,840 total views

 23,840 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »

Para sa content?

 35,918 total views

 35,918 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »

Kabuhayan sa Bangketa

 55,330 total views

 55,330 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »

Street People

 66,450 total views

 66,450 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »

Buhay sa Slum Settlements

 70,377 total views

 70,377 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Solidarity action laban sa Manila Bay Reclamation Project, isasagawa

 519 total views

 519 total views Maglulunsad ng mga pagkilos ang simbahang katolika, iba’t ibang denominasyon, at makakalikasang grupo bilang patuloy na panawagang ihinto ang Manila Bay Reclamation Project, at paggunita sa Earth Day 2024. Ito ang People’s Earth Day Gathering to Defend Manila Bay na isasagawa sa Sabado, April 20, 2024 mula alas-dos hanggang alas-5:30 ng hapon. Simula

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Maging environmental warrior, hamon ng Obispo sa mga Senado

 549 total views

 549 total views Naaalarma na ang opisyal ng development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mapaminsalang epekto ng pagmimina at quarrying sa bansa. Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, bilang mga katiwala ng daigdig, ang bawat isa’y may pananagutan upang pangalagaan ang kalikasan para sa kapakanan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Rock for Masungi solidarity event, isasagawa sa UP

 863 total views

 863 total views Magsasagawa ng solidarity event ang Friend of Masungi bilang suporta at panawagan para sa Masungi Geopark Project. Ito ang Rock for Masungi na gaganapin sa Linggo, April 21, 2024 mula alas-singko ng hapon hanggang alas-nuebe ng gabi sa GT Toyota Asian Center Auditorium sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City. Layunin ng

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Year of Prayer 2024: Paghahanda, tungo sa kabanalan

 1,488 total views

 1,488 total views Naglabas ng liham-sirkular ang Diyosesis ng Imus hinggil sa pagdiriwang ng Year of Prayer 2024. Inihayag ni Bishop Reynaldo Evangelista na napagkasunduan sa ginanap na pagpupulong kasama ang Presbyterial Council ng diyosesis, na ngayong taon ay bibigyang-tuon ang pagpapaigting sa buhay panalangin at kabanalan ng bawat mananampalataya. Ayon kay Bishop Evangelista, paghahanda na

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Environmental group, sang-ayon na imbestigahan ng Senado ang pagmimina at quarrying sa bansa

 1,770 total views

 1,770 total views Nakikiisa ang Alyansa Tigil Mina sa panukala ni Senator Risa Hontiveros na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa epekto ng pagmimina at quarrying sa bansa. Layunin ng Senate Resolution No. 989, ang paghihikayat sa mga mambabatas sa senado na imbestigahan ang malawakang pinsalang dulot ng pagmimina at quarrying sa kalikasan, maging sa buhay ng

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

SOHSPH Inc., kinampihan ang Masungi Georeserve Foundation

 3,944 total views

 3,944 total views Suportado ng Seeds of Hope Society Philippines Inc. (SOHSPH Inc.) ang panawagan ng Masungi Georeserve Foundation laban sa binabalak na pagbawi sa kasunduan para sa Masungi Geopark Project sa Baras, Rizal. Ayon sa grupo, ang planong pagbawi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa 2017 Memorandum of Agreement ay magiging dahilan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Legacy ng tinaguriang “dancing doctor”, kinilala ng CBCP-ECHC

 8,374 total views

 8,374 total views Nagpapasalamat ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) sa 35-taong paglilingkod ni Department of Health Undersecretary, Dr. Eric Tayag. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Father Dan Cancino na sa mga nagdaang taon bilang tagapagtaguyod ng kalusugan ay naging malikhain at matapang si Tayag sa pagsusulong ng mga

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

DENR, hinamong pangalagaan ang mga protected area sa bansa

 8,761 total views

 8,761 total views Dapat tiyakin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapalawak ng mga layunin ng Masungi Georeserve Foundation sa pangangalaga sa protected area. Ayon kay Alyansa Tigil Mina national coordinator Jaybee Garganera, ito ang mahalagang pagtuunan ng DENR sa halip na ituloy ang planong pagbawi sa 2017 Memorandum of Agreement (MOA) para

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mayor Lacuna, pinakikilos ng EcoWaste sa bentahan ng iligal na skin lightening products

 7,327 total views

 7,327 total views Naniniwala ang EcoWaste Coalition na matutugunan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang laganap na pagbebenta ng ilegal na skin lightening products sa mga pamilihan sa lungsod. Ito’y matapos na ibahagi ng grupo kay Manila City Mayor Honey Lacuna ang mapa na makakatulong upang mapabilis ang pagtukoy sa mga tindahang nagbebenta ng mga ipinagbabawal

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

MOA cancellation ng DENR sa Masungi Geopark Project, tinututulan ng Caritas Philippines

 16,039 total views

 16,039 total views Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang binabalak na hakbang ng DENR ay hindi makatutulong sa layuning pangalagaan ang kalikasan laban sa tuluyang pagkasira. Ang nasabing kasunduan ay ang 2017 Memorandum of Agreement na nilagdaan sa ilalim ng pamumuno ng yumao at dating Environment Secretary Gina Lopez, kasama

Read More »
Photo courtesy: CBCP News
Environment
Michael Añonuevo

Bigyan ng pantay na pagpapahalaga ang kalikasan, panawagan ng Obispo

 17,668 total views

 17,668 total views Nananawagan ang Archdiocese of Capiz na isulong ang pagkakaroon ng balanse o patas na pagbibigay ng halaga sa pagitan ng kalikasan at negosyo. Ayon kay Archbishop Victor Bendico, maraming kagubatan at lupain ang naubos na ang mga punongkahoy dahil mas pinagtutuunan ang pagtatayo ng mga negosyo upang pagkakakitaan. “Maraming bukirin na ang nakakalbo

Read More »
Photo courtesy : PAGASA DOST
Environment
Michael Añonuevo

Matinding init, ganti mula sa pang-aabuso ng tao sa kalikasan

 17,707 total views

 17,707 total views Nababahala si Tagbilaran, Bohol Bishop Alberto Uy hinggil sa lumalalang pag-init ng panahong nararanasan sa buong bansa. Ayon kay Bishop Uy, ang tumataas na temperatura ng kapaligiran ay sanhi ng climate change dahil sa patuloy na pang-aabuso at pananamantala ng tao sa kalikasan. Sinabi ng obispo na ang mga sakuna at kalamidad na

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Masakit na katotohanan ang pagkasira ng kalikasan

 9,382 total views

 9,382 total views Nabahala si Tagbilaran, Bohol Bishop Alberto Uy hinggil sa lumalalang pag-init ng panahong nararanasan sa buong bansa. Ayon kay Bishop Uy, ang tumataas na temperatura ng kapaligiran ay sanhi ng climate change dahil sa patuloy na pang-aabuso at pananamantala ng tao sa kalikasan. Sinabi ng obispo na ang mga sakuna at kalamidad na

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Magbagong anyo para sa kalikasan, panawagan ng LLS Philippines sa mamamayan

 20,491 total views

 20,491 total views Hinimok ng Living Laudato Si’ Philippines ang mga mananampalataya na magbagong-anyo para sa sangnilikha. Ayon kay LLS Philippines executive director Rodne Galicha, ngayong ipinagdiriwang ng simbahan ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon ay magandang pagnilayan ang mga nagawang kasalanan hindi lamang sa kapwa, kundi maging sa kalikasan. Sinabi ni Galicha na ang

Read More »
Photo Courtesy: DILG Philippines
Cultural
Michael Añonuevo

Mamamayan, hinimok ng DILG na isabuhay ang diwa ng muling pagkabuhay ng panginoon

 9,991 total views

 9,991 total views Hinikayat ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos, Jr. ang mamamayan na gunitain ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon na may pag-asa tungo sa pagkakaisa at pag-unlad sa mga pamayanan. Ayon kay Abalos, ipinapaalala ng muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo ang bagong simula upang harapin at malampasan ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top