Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo ng Diocese of Prosperedad, humiling ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,850 total views

Humiling ng panalangin si Bishop Ruben Labajo kasabay ng pagluklok bilang kauna-unahang pastol ng Diocese of Prosperidad sa Agusan del Sur.

Ayon sa obispo mahalaga ang mga panalangin lalo’t magsisimula ang bagong diyosesis sa pagbuo ng mga programang makatutulong sa paglago ng simbahan sa lalawigan gayundin ang pag-usbong ng pananampalataya ng halos kalahating milyong nasasakupan.

“I humbly ask the faithful especially in Prosperidad to please pray for me as your bishop that I may remain always faithful before the Lord and before you that in our journey as pilgrims of hope, I always walk humbly before the Lord leading you towards Him,” pahayag ni Bishop Labajo sa Radio Veritas.

Batid ng obispo ang kaakibat na tungkuling gagampanan sa pagtanggap sa misyong pagpapastol lalo’t taguri ang Agusan del Sur bilang ‘mission frontier’ ng Mindanao kung saan 1/3 sa populasyon ay mga katutubo.

Tiniyak naman ni Butuan Bishop Cosme Almedilla kay Bishop Labajo ang mga panalangin at suporta sa paglalakbay bilang bagong diyosesis kasabay ng pag-asang mas umunlad ang pamayanan ng Prosperidad tungo sa kabanalan.

Tiwala si Bishop Almedilla sa kakayahan ni Bishop Labajo na mapalago ang kristiyanong pamayanan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng simbahan.

“As you take this new responsibility be assured of our prayers of our faithful may you continue to grow in one desire and that is to become holy, witnessing, and a more participatory church,” ani Bishop Almedilla.

Sa ginanap naman na welcome dinner sa unang obispo ng Prosperidad tiniyak ng mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Agusan del Sur sa pangunguna ni Governor Santiago Cane, Jr. kasama ang mga kongresista at iba pang opisyal ng pamahalaan ang suporta at pakikilakbay sa pangangalaga sa nasasakupan.

Binigyang diin ng gobernador na hindi mapaghihiwalay ang simbahan at pamahalaan sa larangan ng paglilingkod sapagkat iisang pamayanan ang pinaglilingkuran kaya’t buong puso ang suporta nito sa ika – 87 diyosesis ng Pilipinas.

“Hearing your messages gives me assurance and a lot of hope that we will journey together in the infantile stage of the diocese, you will be the guiding hand that I can hold on to and I believe that in our growth and development as a diocese, I can rely on of your presence and support,” giit ni Bishop Labajo.

Pinangunahan naman ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang Canonical Possession at Solemn Installation kay Bishop Labajo sa St. Michael the Archangel Cathedral sa Prosperidad kasama ang humigit kumulang 50 mga obispo mula sa iba’t ibang diyosesis ng Pilipinas.

Batay sa kasaysayan taong 2000 nang unang pinag-usapan ang ideyang hatiin ang Diocese of Butuan upang mas mabigyang tuon ang pangangalagang espiritwal sa mga nasasakupang lalawigan, November 1995 nang muling magsagawa ng konsultasyon si noo’y Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos at taong 2004 nang ipresenta at aprubahan sa ika – 88 plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kahilingang hatiin ang Diocese of Butuan.

Taong 2007 nang lumagda ang 18 obispo ng Mindanao sa paglikha ng bagong diyosesis, 2008 nang isumite ni noo’y CBCP President Archbishop Angel Lagdameo ang aplikasyong itatag ang Diocese of Prosperidad kay noo’y Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Joseph Adams.

May 2019 kasabay ng pagluklok kay Bishop Almedilla bilang ikatlong obispo ng Butuan muling pinag-aralan ang planong paghati sa diyosesis para sa kapakanan ng mananampalataya.

Bumuo ng Ad Hoc Committee si Bishop Almedilla noong 2022 na nanguna sa ppagsusuri, pag-aaral at konsultasyon para suportahan ang kahilingang itatag ang diyosesis na magpapastol sa buong Agusan del Sur.

Makalipas ang dalawang dekadang aplikasyon kinatigan ni Pope Francis ang kahilingang itatag ang Diocese of Prosperidad na isinapubliko noong October 15, 2024 kasabay ng pagtalaga kay Bishop Labajo bilang unang pastol ng diyosesis.

Katuwang ni Bishop Labajo sa pagpapastol sa halos kalahating milyong katoliko sa lugar ang 61 mga pari sa 25 mga parokya, dalawang quasi-parishes, tatlong mission stations at 766 na mga chapels ng lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 69,901 total views

 69,901 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 137,389 total views

 137,389 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 158,454 total views

 158,454 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 179,580 total views

 179,580 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 211,271 total views

 211,271 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top